APEKTADO ang anak ni Cristine Reyes sa pagiging kontrabida niya sa Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS CBN 2.
Anang aktres, napanood ni Amarah ang isang eksena na tinapak-tapakan niya ang tanim ng bidang batang babaeng si Mikmik.
Kaya kinuwestiyon ng anak kung bakit niya ginawa ‘yun kay Sophia Reola, (Mikmik).
Ikinagualt si Cristine ang tinuran ng anak, kaya agad niyang ipinaliwanag dito na acting lang ang ginagawa niya.
Naintindihan naman siya ni Amarah.
Nang matanong naman ang actress kung bakit tinanggap ang kontrabida role sinabi ng aktres na nag-request siya sa management na bigyan siya ng character role. Lagi kasing siya ang api sa mga nagawang teleserye.
(Joe Cesar)