HINDI itinago ni Nicco Manalo na gusto niyang makatrabaho ang amang si Jose Manalo.
Sa presscon ng seguel ng Ang Kwento Nating Dalawa, ang TAYO Sa Huling Buwan ng Taon handog ng TBA Studios, sinabi ni Nicco na gusto niyang makatrabaho ang ama. “Opo, kung may makakita ng opportunity o kung sinuman ang gustong kunin kami, mapa-comedy, drama, kayo po ang bahala. I think it would be exciting.
“Medyo nerve-racking for me I think to be working with my dad. Kasi he’s very ano rin hindi siya nauubusan ng advise sa ginagawa ko o sa craft ko o sa pagiging artista. Medyo kinakabahan ako pero game po ako,” excited na sabi ni Nicco na isang aspiring filmmaker sa Tayo Sa Huling Buwan ng Taon kasama sina Vera na dati niyang GF na muling nagkatagpo ang kanilang landas makaraan ang limang taon ng kanilang paghihiwalay.
Ani Nicco, mas nakakapag-usap sila ni Jose kompara rati. “Medyo mas bihira pero I think we talk during the important times I would say. Although I’m not there everyday, we didn’t talk everyday, pero like something happens to him I congratulate him, somethings happen to me, he congratulates me. He’s very proud of me and I’m very happy about that.”
Mas mature ang relasyon nilang mag-ama kung ilalarawan ni Nicco. “I’m enjoying na we have this relationship.”
Kaya naman ang laging payo ng kanyang ama, “WORK hard. Don’t be afraid na magsimula sa ilalim.” Katwiran kasi ni Jose, mas masarap namnamin ang tagumpay kapag pinaghirapan.
Sa kabilang banda, hindi naman itinanggi ni Nicco na hindi niya ine-expect na magbibida siya sa isang pelikula.
“Naalala ko po kasi noong 2014 sabi nila, o nagli-leave ka na a. Hindi ko talaga in-expect eh. Noong 2014 it’s just me and Vera talking. ‘Yun lang po ang pelikula. And kagaya nga po ng mga alam natin sa industriya may mga sinusundan din tayong styles kumbaga so alam natin we have to get someone who’s mas pogi, mas matangkad. But Nestor (Abrogenas, direktor) got me, pinagkatiwalaan niya ako. I’m very grateful. And we’re very grateful to TBA Studios na binigyan pa nila kami ng sequel,” lahad pa ni Nicco.
Ang tinutukoy ni Nicco na unang pinagbidahan niya ay ang Ang Kuwento Nating Dalawa kasama si Vera na ayon sa TBA Studios ay kumita ng P2-M sa loob lamang ng siyam na linggo. “And we found out kapag nakakausap namin ang mga tao sinasabi nilang, ‘ang ganda-ganda ng pelikula, we watch it 3-4 times.’ May following talaga. And then ito nga as the result of it’s success,” sambit ng bigboss ng TBA.
Ang Tayo sa Huling Buwan ng Taon ay hindi karaniwang love story na nagbibigay ng emotional portrayal ng love ng mga tao o ng magsing-irog na hinahanap ang buhay at ang sarili.
“We use mostly ourselves when we portray our characters,” ani Nicco. “That’s why the movie is so authentic.”
Idinagdag pa ni Nicco na, “We tried to do the movie earlier, but we didn’t do it because Nestor felt we weren’t ready. Hindi pa hinog. The four years between ‘Ang Kwento Nating Dalawa’ at ‘Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon’ really helped. Kita talaga sa screen kung paano kami binago ng panahon. Of all the characters that I played, dito talaga makikita si Nicco not just as an actor but also as a person. Kung ano ‘yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita ‘yun sa pelikula. It really made ‘Tayo’ and its theme of finding yourself after getting lost authentic and real.”
Ang Tayo sa Huling Buwan Ng Taon ay mapapanood na sa May 8 at tampok din sina Anna Luna, Alex Medina, Peewee O’Hara, Alvin Anson, Madeleine Nicolas, Emman Nimedez, at Bodjie Pascua.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio