“TANGKILIN ang sariling ani. Bilhin ang sariling bigas.”
Ito ang panawagan ni agriculture activist Benjamin Arenas Jr., sa paglulunsad ng Bigas Natin Movement kamakailan na isinagawa sa Pan de Sal Forum sa Kamuning Bakery sa Quezon City.
Ani Arenas, kung bawat Pinoy o sampung Pinoy ang tumatangkilik o bumibili ng locally produced rice, nakatitiyak tayong bababa ang presyo ng bigas.
“Magtulungan tayo. Simulan sa sampu hanggang masanay ang bawat Filipino na bilhin ang sarili nating bigas. Kung hindi natin gagawin ito, hindi tayo makaaasa ng pagbaba ng presyo ng bigas,” sambit pa ng grupo.
Kasamang nanawagan sa paglulunsad ng Bigas Natin Movement sina Dr. Anthony Bravo, leader ng National Confederation of Cooperatives (COOP-NATCCO) at V.L. Sonny Domingo, Deputy Commissioner ng Professional Regulation, Commisions’ Board of Agriculture.
Si Wilson Flores naman ang tumayong moderator sa Pan de Sal Forum na isinasagawa tuwing Lunes.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio