Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, volunteer at ‘di nagpabayad ng P4-M sa Juan Movement

AMINADO ang Juan Movement Partylist na malaki ang maitutulong sa kanila nina Alex Gonzaga at Arnell Ignacio para maipaalam ang mga problema ng showbiz industry tulad ng paghina ng Pinoy films sa takilya kaya kinuha nila ang dalawa para tulungan silang ikampanya.

Kasabay nito ang paglilinaw na hindi rin nila binayaran si Alex ng P4-M para ikampanya sila. Nag-volunteer ang aktres para maging miyembro ng Juan Movement Partylist

Ayon sa mga nominee ng Juan Movement Partylist na sina Jhun Llave, Nico Valencia, at Mark Boado inalok nilang maging member si Alex at inilahad dito ang kanilang advocacies sakaling maupo sa Kongreso. Ito ay ang maibalik ang patriotismo ng bawat Filipino sa pamamagitan ng mga ipapasang batas.

Tututukan din nila ang edukasyon lalo na ang History subject na inalis sa Senior High School. Nais nilang maibalik ito para hindi makali­mutan ng bagong hene­rasyon ang ating pinagmulan at mana­tili ang pagmamahal sa bayan.

Malinaw namang nagustuhan ni Alex ang advocacies ng Juan Movement Partylist kaya nag-volunteer itong tumulong at kumanta ng campaign jingle nila.

Maging si Arnell, nilinaw nitong wala siyang tinanggap mula sa Juan Movement Partylist.

Aniya, nag-resign siya sa OWWA para personal na tulungan ang mga ito sa pangangampanya.

“Hindi kasi puwedeng mangampanya kapag nasa gobyerno ka. Pero siyempre kasama rin doon ‘yung personal na pangangalaga sa aking ama at paghahanap ng pagkakakitaan para ma-afford ko ‘yung napakamahal na gamot ng aking amang may sakit na cancer.

“Hindi ko naman itinago na marami akong tinanggihang TV offer tulad ng Ang Probinsyano dahil sa trabaho ko sa gobyerno.

“Ipinatawag nga ako ni Pangulong Duterte kamakailan at parang may ino-offer na naman sa aking trabaho. Bahala na. Basta sa ngayon, nakatutok muna ako sa Juan Movement Partylist,” kuwento ni Arnell.

Iginiit pa ng actor/host na naniniwala rin siya sa advocacies ng grupo at  mas gusto niyang sumuporta kaysa ma­ging nominee dahil naka­hihiya namang galing siya sa gobyerno, nag-resign para tumakbo bilang partylist representative.

Maganda ang adhikain ng Juan Movement Partylist. Nabuo sila sa hangaring maisulong at ipakita ang tunay na kakayahan nating mga Filipino. Kakayahan sa tunay at tapat na pagbabago.

Anila, kailangan natin ng mga kongkretong solusyon para sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa, at ang Juan Movement ang magiging tulay sa tapat na pagbabago, kasama ang Filipino. Mula sa pagbuo ng mga batas patungkol sa edukasyon, kasaysayan, at kultura, hanggang sa pakikinig sa boses ng bawat isa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …