NAHAHARAP sa kasong serious physical injuries ang isang dating alkalde at kanyang security dahil sa pambubugbog sa supporter ni Sto. Tomas, Pampanga Mayor John Sambo noong 27 Abril.
Batay sa police report ng Sto. Tomas Municipal Police Station dumating si dating Mayor Romeo “Ninong” Ronquillo kasama ang security na si Jojit Pineda, 29 anyos, dakong 10:30 am sa bahay ng biktimang si Reynaldo Galang, 54, tagasuporta ni incumbent Sto. Tomas, Pampanga Mayor John Sambo.
Laking gulat ni Galang nang pagbukas ng pinto ay agad siyang kinuwelyohan ni Ronquillo at hinila palabas ng kanilang bahay.
Dito pinagbubugbog nina Ronquillo at Pineda sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kahit lugmok na si Galang, pinagbantaan siyang papatayin.
Dinala ang biktima sa Jose Lingad Hospital upang gamutin.
Lumiliitaw sa pagsisiyasat na may personal na alitan sina Galang at Ronquillo.