Saturday , November 16 2024

1PACMAN, viral sa 3.6-M views sa YouTube

UMABOT sa 3.6 milyong viewers ang “May Mararating” video ng 1PACMAN sa YouTube.

Sa usapang trending, makikita ang lubos na suporta ng mamamayan para sa 1PACMAN o 1 Patriotic Coalition of Marginalized Nationals sa isang YouTube video na umabot sa 3.6 milyon ang viewers.

Sa nasabing video, iginuhit ni 1PACMAN congressman Mikee Rome­­ro na may mara­rating ang Filipinas sa tulong ng sa isang tapat na lider.

“Pag-asa at inpira­syon ang hangarin ko para sa lahat,” ang sabi ni Congressman Romero sa video.

Dito rin niya ipina­hayag ang kanyang port­polyo sa pagtulong.

Ayon sa kanyang tang­gapan, nakapagbigay na siya nang mahigit 10,000 trabaho at 12,000 scholarships.

Bago pumasok sa politika si Rep. Romero ay marami na siyang kontribusyon sa ekonomiya ng Filipinas.

Noong siya ay nasa pribadong sektor, napa-moderno niya ang Manila North Harbor at ang pag-aayos ng budget travel sa ilalim ng AirAsia Philip­pines.

Kaya naman nang siya ay pumasok sa politika, lalo pang nagningning ang kanyang rekord sa pag­tulong.

Ilang programang nai­taguyod ng 1PAC­MAN sa pamumuno ni Romero ang 1PACMAN Scholarship Program na nakapagpaaral ng 12,000 estudyante at nakapag­bigay ng 10,000 scholar­ship sa TESDA.

Naitatag din ng partido ang Abot-Alam Program para mabigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school youth na muling mag-aral.

Hindi lamang sa views ng YouTube video nakikita ang masigasig na suporta sa 1PACMAN.

Nangunguna sina Senator Manny Pacquiao at Senator Lito Lapid na naglahad ng testimonya at makikitang sumasayaw sa mga video na nagpapaalala sa ating mga botante na numero 122 sa balota ang 1PACMAN.

Maraming basket­bolista ang naghihikayat maisulong ang 1PAC­MAN tulad nina L.A. Tenorio, Scottie Thomp­son, at Mark Caguioa ng Barangay Ginebra San Miguel; Beau Belga ng Rain or Shine Elasto Painters; at Jayson Castro ng TNT KaTropa.

Sa volleyball naman, makikita ang kagustuhan nina Mika Reyes, Melissa Gohing, Cha Cruz, at Rachel Ann Daquis na maibalik muli ang partido sa Kongreso.

Ang boxers tulad ni Romero Duno at Reymart Gaballo ay nakapagbigay rin ng kanilang pagsu­porta.

May pinanggalingang tunay ang taos-pusong suporta ng mga Filipino sa 1PACMAN.

Sa loob nang tatlong taon, nakapaghain siya ng 26 laws na nakatuon sa sports, trabaho, at eduka­syon.

Isa sa kanyang mga pangunahing batas ang Universal Access to Quality Tertiary Edu­cation Act na nabibigyan ang mas maraming Filipino ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo.

Ang Free Wi-Fi in Public Areas Act ay nai­taguyod upang magka­roon ang mga estudyante ng libreng internet access sa lahat ng pampublikong lugar.

Ang pagtataguyod ng Philippine Sports Training Center o RA 11214. Makapagbibigay ito ng modern day training facilities para sa lahat ng mga atletang Pinoy.

Ang Universal Health Care Act o RA 11223. Lahat ng Filipino ay magiging miyembro ng Philhealth at malaking tulong para sa hospita­lization at healthcare ng bawat Filipino.

Kasama rin ang Free Irrigation Services to All Farmers o RA 10969. Madadagdagan dito ang kinikita ng mga magsa­saka pati na rin ang produksiyon ng agricultural crops.

Si Romero ay patuloy na kumikilos para sa bayan. Ang kanyang mga nagawa sa loob ng Kongreso at para sa mga komunidad ay patunay ng kanyang hangarin para sa isang maunlad na Filipinas.

Panoorin ang buong video dito: https://youtu.be/L9EDhdzKK9k. Tingnan din sa 1PACMAN Party List Facebook para sa mga patuloy na kaga­napan sa Party List.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *