Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Otso Diretso Tinanggap ng Cebuanos

ALL-IN na ang walong kandidato ng Otso Dire­tso sa panliligaw sa mga botante sa Cebu, dito sila muling nakompleto sa gitna ng pangangam­panya pa-Senado.

Muling nakitang mag­kakasama nitong Linggo sina Senator Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano, dating senador Mar Roxas, dating congress­man Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, dating ARMM assembly­woman Samira Gutoc, election lawyer na si Romy Macalintal, at ang res­petadong human rights lawyer na si Chel Diokno, nang makiisa sila sa mga batayang sektor sa paglulunsad ng Ahon Laylayan Koalisyon sa Plaza Independencia sa Cebu City.

Sa okasyong ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na marinig ang mga agenda na itinutulak ng mga sektor.

Pumirma rin sila sa isang kasunduan, na nagpapatibay sa kanilang adhikain na itulak ang kapakanan ng mga na­ngangailangan kapag sila ay nanalo sa Senado.

Dahil sa mga pagsu­bok sa kampanya, gaya ng kakulangan ng pondo at campaign materials, kadalasan ay hiwa-hiwa­lay ang walong kandidato ng Otso Diretso sa panga­ngampanya, upang mas maraming lugar ang maabot nila sa Filipinas.

Aktibo rin sa panga­ngampanya para sa Otso Diretso si Vice President Leni Robredo, na nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipahayag ang kaniyang suporta at paghanga sa walong kandidato.

Ayon sa Bise Presi­dente, bagamat unti-unti pa lang nakikilala ang karamihan sa mga kanidato ng Otso Diretso, sila ay matatagal nang lingkod-bayan na napa­tunayang maaasahan, tapat, at mahusay.

Natutuwa rin siya na marami sa mga ordi­naryong mamamayan ang kasamang naninindigan para sa Otso Diretso, sa pamamagitan ng akti­bong pangangampanya.

“Napaka-active din ng supporters natin sa Cebu. Tinitingnan ko sa Facebook, parati silang nagpo-post. Talagang on their own, nagpapa-print sila ng campaign col­laterals, gumagastos talaga sila sa pag-iikot, nagka-caravan sila sa buong — hindi lang sa city, pero sa buong probinsiya ng Cebu. Kapag nakita natin iyong collaterals, iyong mga walang pampagawa, talagang sulat-kamay,” aniya. “Nakaka-touch na hindi nagiging hadlang iyong kawalan ng re­sources.”

Ang Ahon Laylayan Koalisyon ay proyekto ng opisina ni Vice President Leni Robredo, na nagla­layong pagkaisahin ang mga batayang sektor upang palakasin ang kanilang boses at makuha ang atensiyon ng pama­halaan sa kanilang panga­ngailangan.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …