HINDI itinago ni Mr Gay World Philippines 2019, Janjep Carlos na sobra-sobra ang pressure na nararamdaman niya habang papalapit ang Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa May 4 sa Cape Town, South Africa.
Ani Janjep, ang dahilan ng kanyang pressure ay ang pagkapanalo ni John Raspado, na nag-title last year at ipinadala rin ni Wilbert Tolentino.
“Tapos as you all know, most of the people expect too much from the Philippines kasi we are now, isa sa mga powerhouse pagdating sa pageantry, so ang laking pressure para sa akin, kasi they expect too much from me!” giit ni Janjep.
Samantala, ipinakita naman ni Janjep ang panlaban niyang “vaklava walk” nang humarap siya sa entertainment media para sa presscon-send-off hosted by Mr. Gay-World Philippines National Director na si Wilbert na siya ring first ever Mr. Gay World-Philippines noong 2009.
Si Wilbert din ang may-ari ng One 690 Entertainment Bar (kung saan ginanap ang presscon/send-off para kay Janjep) at Apollo KTV and Bar.
Sinabi pa ni Wilbert na nasa ikalawang puwesto ngayon si Janjep (nangunguna si Mr. Hungary) para sa Social Media Award ng Mr. World.
Advocacy ni Janjep ang mental health na may hashtag na #IllnessTo Wellness, ”Actually right now I am partnering with Mental Health PH . Isa siyang organization promoting awareness about mental health thru social media.
“So sa tingin ko magandang platform siya para sa akin para mai-push ko ‘yung advocacy ko to spread awareness, especially about depression, kasi it’s very timely and relevant especially with the LGBT community,” giit pa ni Janjep.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio