Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lanete, nanguna sa survey

NANGUNA sa latest gubernatorial survey ng Pulse Asia si Congressman S. Lanete na isinagawa noong April 3-5, na pasok sa official campaign period para sa local officials. Ang pangunguna ay patunay na may 61 percent na mga botante ang pumapanig kay Lanete kompara sa kalaban nitong si incumbent governor Antonio Kho na mayroon lamang 29 percent.

Ganito rin ang lumabas sa naunang survey na isinagawa naman ng  Social Weather Stations (SWS) noong March 26-28 na nakakuha si Lanete ng 58 percent mula sa total voter preference laban sa 31 percent ng kalaban.

Dahil sa positibong resulta ng survey ng SWS at Pulse Asia, patunay na handang tanggapin ng mga Masbateño ang pagbabago ng kanilang lugar para lalong mapabuti, maging maayos o ‘ika nga’y “make Masbate great” ng lugar. Patunay na bukas sila sa pagtanggap ng mga bagong idea at itapon ang mga nakasanayan na.

Si Lanete na isang physician ay nakapaghain ng magagandang batas sa ika-17 Congress kasama na ang pagpapataas sa suweldo ng  mga government doctor, nurse, pharmacist, occupational therapist, at iba pang healthcare personnel. Kasama rin ang pagdaragdag sa school curriculum ng measures to add environment education course, at ang  Philippine Wind and Earthquake Resistant Steel Act na naglalayong mapagbuti ang steel quality sa bansa. Si Lanete rin ang may akda ng batas na nagpapataas sa suweldo ng mga uniformed personnel sa PNP at AFP.

Nagsumite rin ng batas si Lanete ukol sa pagdedeklara ng Isla ng Balangingi sa Pio V. Corpuz at Manok-Manok Island sa Esperanza para maging ecotourism sites. Iminungkahi rin niya na ang Kalanay Falls at kalapit lugar nito na maging ecotourism site, at makapagbuo ng  Kalanay Falls ecotourism council.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …