Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, inirampa ang kapayatan (gana sa pagkain, biglang nawala)

SOBRANG pisikal kung ilarawan ni Direk Erik Matti ang pelikula nila nina Sharon Cuneta at John Arcilla, ang Kuwaresma mula sa Reality Entertainment at Globe Studios na mapapanood na sa May 15.

Kaya naman advantage ang pagpayat ni Sharon bagamat nagkaroon ng kaunting problema si Direk Erik sa laki ng ipinayat ng Megastar, problema sa continuity.

“For a time, nag-panic kami kasi bago siya mag-concert sa US, kinunan na namin ‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.

“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong ‘yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makalulusot ba ‘to na kanina lang, iba ‘yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut,”sambit ng magaling na direktor.

“Ang dami niyang ginawang pisikal. Emotional, sobra. ‘Yung iyakan, ang dugo talaga! Ang maganda kay Sharon, mataas ang respeto niya sa mga direktor. ‘Pag umoo na siya sa project, ibibigay niya ang sarili niya,” giit pa ng direktor.

“I lost weight after shooting pa (ng Kuwaresma), tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore,” kuwento naman ni Sharon sa mediacon ng horror-suspense movie na inirampa ang kapayatan.

Kuwento ni Shawie, may mga araw na nakakalimutan niyang kumain. “Natatawa ‘yung yaya ko kasi, ‘Yaya, I’m busog na.’ Pagdating niya, ‘Ma’am, di n’yo ginalaw ‘yung pagkain, inurong-urong n’yo lang.’ ‘Hindi naman, nag-bite naman ako dalawa-tatlo.’” 

At sa maniwala kayo o sa hindi, walang sinusunod na diet ang aktres, nawalan lang siya ng ganang kumain. “I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang magsuot ng damit na… ganoon.

“It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain. Tapos after the movie, dire-diretso,” sambit pa ni Sharon.

Ipinagmamalaki rin ni Sharon ang Kuwaresma, “I am very proud of this movie! I’m very proud of all of our performances. And modesty aside, it really squeezed me.

“Everything I had, I think, I already put in this movie. I hope na huwag po ninyong palagpasin ito lalo na ‘yung horror fans like me, kahit hindi ho, kasi kahit hindi kayo horror fans, it really is a horror movie, but it has a heart.

“Hindi naman ako maiiyak sa takot lang, eh. Maiiyak ka dahil may puso ‘yung movie. May pupuntahan. So it’s on the secrets of this family na, in the end, kailangang lumabas, hindi puwedeng hindi.

“And ‘yung bahay kasi, mayroon siyang sariling history, na nagsimula pa noong panahon ng mga Hapon, World War II, or before that pa. Roon iyong start ng misteryo. And our family comes in without knowing the history of the house,” kuwento pa ni Mega.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Guila Alvares (na nagbabalik-showbiz), at ang magkapatid na Pam at Kent Gonzales, bagong discovery ni Direk Erik.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …