Saturday , April 19 2025

Pamilya Duterte, Aquinos hindi magkaaway — Kris

HINDI magkaaway ang mga pamilya Duterte at Aquino.

Ito ang iginiit ng aktres at TV host na si Kris Aquino, na nagsabi na handang makipag­tulungan ang pinsan na si reelectionist Sen. Bam Aquino sa pamahalaan basta’t para sa kapaka­nan at kabutihan ng pamil­yang Filipino.

Sa panayam ng media, sinabi ni Kris na naniniwala siyang may ilang tao na gumagawa lang ng isyu para magka­roon ng hidwaan ang dalawang pamilya.

“Wala kaming mala­lim na ugat, sugat, or hindi namin sila kaa­way,” wika ni Kris, na sinabi pang marami sa kanyang mga follower sa social media ay mula sa Davao.

Nagtataka rin si Kris kung bakit ginagawan ng isyu ang pamilya Aquino sa mga Duterte, gayong wala naman silang naging anumang isyu.

“Iba lang ang may ayaw sa amin at iba raw ang gustong gumawa ng gulo,” dugtong ni Kris.

Sinabi ni Kris na mas magandang makipag­tulungan na lang sa mga programa at proyekto para sa ikabubuti ng mga Filipino.

Ayon kay Kris, patu­nay nito ang ginawang pagsusulong ng kanyang pinsan na si Sen. Bam Aquino ng ilang mahaha­lagang batas sa ilalim ng administrasyong Duterte, tulad ng batas sa libreng kolehiyo.

“He’s a team player and he knows how kasi marami siyang nakasun­do sa Senate,” sabi ni Kris.

Idinagdag ni Kris na ipinarating ng ilang kaibi­gan niya sa kasalukuyang administrasyon na ma­bilis na naipasa ang bud­get ng ilang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd) dahil sa tulong ni Sen. Bam.

“So I see no reason why he cannot work together, especially when it’s about education, about social welfare and development,” paliwanag ni Kris.

Paninindigan ni Kris, dapat isantabi ang kulay ng politika at sama-samang isulong ang mga panukala at programa na makatutulong sa kaba­baihan, kabataan at edu­kasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *