KAHIT lumilindol na, matindi pa rin ang tsismis. Dahil nitong mga nakaraang araw ay nakitang magkasama na naman sa Bali, Indonesia ang magsyotang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, lalong tumindi ang tsismis na hindi lang magsyota kundi nagli-live in na ang dalawa.
Hindi naman kami naniniwala sa tsismis na iyan. Una, nag-deny na nga ang manager ni Maine at sinasabing imposible ang tsismis. Hindi naman kami naniniwala sa tsismis dahil may kaibigan kami na kapitbahay nina Maine sa Bulacan na nagsabi sa amin na araw-araw ay nakikita nilang umuuwi o umaalis si Maine sa kanilang bahay.
Alam naman ninyo ang tsismis kung paano.
HATAWAN!
ni Ed de Leon