Saturday , November 16 2024

National Land Use Act inupuan ni Cynthia Villar

ITINUTURING na isa sa mga priority measures ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang panukalang batas kaugnay ng National Land Use Act ngunit ‘inupuan’ lang ito ni Sen. Cynthia Villar, bilang chairman ng Senate com­mittees on agriculture and food, agrarian reform, and environment and natural resources.

Ito ang sentimiyento ng ilang magsasaka sa Central Luzon at sa iba pang probin­siya kaugnay ng naging komplikadong suliranin sa agrikultura at pabahay.

Matatandaang kabi­lang ang pagpasa bilang batas sa National Land Use Act sa mga binanggit ni Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2018.

Isa ito sa kanyang prio­rity measures at nana­wa­gan pa sa Senado at Kama­ra na tiyakin ang pagsasa­batas nito.

Magugunitang si Sen. Miguel Zubiri ang may akda ng Senate Bill No. 1522, o National Land Use Act of 2017 o mas kilala bilang “An Act instituting a National Land Use policy, providing the implementing mecha­nisms therefore, and for other purposes.”

Layunin ng panuka­lang batas na magtayo ng isang national agency na magka­kategorya sa land resource sa apat, kabilang ang pro­tection, pro­duc­tion, settle­ments develop­ment, at infras­tructure develop­ment.

Nakabinbin ang panu­ka­la sa Kongreso sa nakalipas na dalawang dekada.

Pero sa kabila ng pagi­ging priority measure, natengga ang panukala sa komite ni Villar.

Matatandaang bina­tikos si Villar dahil sa kanyang business interest kaya hindi umusad ang priority measure ng Pangulo.

Ayon sa advocay group na Campaign for Land Use Policy Now (CLUP NOW) ginamit umano ni Villar ang kanyang chairmanship ng Senate committees on agricul­ture and food, agrarian reform, and en­viron­­ment and natural resources para paboran ang Vista Land, na pag-aari ng pamilya Villar.

Idinagdag ng CLUP Now, sangkot ang Vista Land sa conversion ng mga prime agricultural lands sa real estate projects.

Sinabi ng CLUP NOW na hinaharang umano ni Villar ang National Land Use Act.

“Bakit kaya malakas ang loob ni Villar na suwayin ang kagus­tuhan ni Duterte sa kabila na alam niyang nais ng pangulo na ito’y maisa­batas na?” pahayag ng CLUP Now.

Hindi lang sa prime agricu­ltural lands kontro­bersiyal ang Vista Land, matatandaang nabatikos din si Villar nang imbes­tigahan ang pagbaho ng Boracay na ang kanyang pamilya ay may operasyon ng negosyo sa isla.

Pag-aari rin ng Vista Land ang Boracay Sands Hotel at may bahagi rin sa Costa de la Vista na mata­tag­­puan sa loob ng island resort. Hindi ito isinapubliko ni Villar kung hindi pa nadis­kubre. Nagsagawa pa noon si Villar ng inspek­syon sa Boracay. Tinutu­lan din noon ni Villar ang pagsa­sara ng Boracay.

Tanong pa ng CLUP Now, “Kung totoong hindi ginagamit ni Villar ang kanyang posisyon, bakit hindi niya sundin ang kautu­san ni Duterte at ipasa na ang National Land Use Act?”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *