MARAMI ang nakakapansin at naninibago sa lips movement ni Lorna Tolentino.
Anang mga observer, tila tinutularan ni LT si Angelina Jolie. Maganda naman sana pero dahil sa paggaya, hindi na naiintindihan ang sinasabi o dialogue ng aktres.
Umiikot ngayon ang istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano kay LT.
Dahil sa takaw-pansin ng lips ni LT, inihahalintulad tuloy ito sa isang hunyango na nagpapahamak ng ilang karakter.
Pumasok na rin ang karakter ni Raymart Santiago bukod kay dating Caloocan Mayor Rey Malonzo.
Talagang takbuhan na ng mga dating artista ang action-serye ni Coco Martin.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales