Tuesday , December 24 2024

Grace Poe, topnotcher sa lahat ng survey

KUNG pagbabatayan ang resulta ng lahat ng survey, pinakahuli ang isinagawang nationwide survey ng grupong Magdalo na inilabas ni Senador Antonio Trillanes IV kamakailan, tiyak nang mangunguna si Senadora Grace Poe sa mga kandidatong senador sa midterm elections sa 13 Mayo 2019.

Laging nangingibabaw  ang pangalan ni Poe bilang top choice for senator sa survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, The Center, Publicus, Radio Mindanao Network, Radio Veritas at No. 1 maging sa isinagawang 2019 mock election sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Maynila kama­kailan.

Si Poe ay nakakuha ng rating na 60.4 percent mula sa 3,000 res­pondents na lumahok sa Magda­lo survey noong 2-4 Abril.

Nasa ikala­wang puwesto si Senador Cynthia Villar na may 50.8 percent at may 47.8 percent si dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Inokupa ni dating Senador Lito Lapid ang ikaapat na puwesto sa 42.3 percent; pang-5 si Taguig Rep. Pia Cayetano, 40.4 percent.

Ang iba pang pasok sa Magic 12 ay si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. (39.1 percent), dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa (36.9 percent), Senador Bam Aquino (34.5 percent), Senador Nancy Binay (33.7 percent), Ilocos Norte Governor Imee Marcos (32.7 percent), dating Senador Jinggoy Estrada (30.9 percent) at Senador Sonny Angara (30.7 percent).

May pag-asa rin na manalo sa senatorial election sina dating Interior Secretary Mar Roxas (29.3 percent), dating presidential political adviser Francis Tolentino (29 percent), Senador Koko Pimentel (25.6 percent) at Senador JV Ejercito (23.4 percent).

Ang mga respondent sa nationwide survey ng Magdalo ay binigyan ng listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at may tanong na: “Kung ngayon gagawin ang eleksiyon sa pagka-senador, sino sa mga sumusunod na kandidato ang inyong iboboto? Pumili hanggang 12 kandidato.”

Ayon kay Trillanes, chairman ng Magdalo, kahit dikit ang labanan ay patuloy na umaangat ang rating ng iba pang kandidato ng Otso Diretso.

Mahigit 3000 mag-aaral ang nakiisa sa isinagawang 2019 mock election sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Maynila kaugnay sa papalapit na 2019 midterm elections.

Pinangunahan ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral ang university-wide mock election na bahagi ng survey ang mga senatorial candidates.

Nanguna si Grace Poe na nakakuha ng 914 boto, sinundan siya ni Erin Tañada na nakakuha ng 800 boto.

Nasa ika-3 puwesto si Chel Diokno na nakakuha ng 667 boto habang ika-4 si Samira Gutoc na mayroong 661 boto, sinundan ito ni Bam Aquino na may 617 boto.

Ang iba pang bumubuo sa magic 12 sa naturang mock election ay sina Cynthia Villar (508 boto), Pia Cayetano (488 boto), JV Ejercito (426 boto), Koko Pimentel (409 boto), Neri Colmenares (389 boto), Pilo Hilbay (364 boto), at si Leody de Guzman (336 boto).

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *