Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg Imperial sumuporta na rin sa Ang Probinsyano Party-List… AP-PL kinupkop sa Nueva Ecija

TANGING ang Ang Probinsyano Partylist (AP-PL) lamang ang binitbit ng mga nangu­ngunang kandidato sa Nueva Ecija sa kanilang pro­klamasyon kama­kailan sa  naturang lala­wigan.

Pinangunahan ni incumbent Governor Aurelio Umali na tuma­takbo sa kanyang ikala­wang termino ang pag­susulong sa mga kandi­dato ng partidong Unang Sigaw gayondin sa kandidatura ng Ang Probinsyano Party-List na sinuportahan pa ng sikat na aktres na si Meg Imperial.

Kasabay ng prokla­masyon na isinagawa sa Dr. Jose Lapuz Salonga Gymnasium sa San Anto­nio ang pagdiriwang ng kaarawan ni San Antonio Mayor Arwin Cruz Salonga na tumatakbo rin sa ikalawang termino.

Bago ang prokla­masyon ay nag-motor­cade ang volunteers ng Ang Probinsyano Party-list sa pangunguna ni Meg Imperial sa bayan ng Cabiao patungo sa San Isidro, Jaen at San Antonio.

Hindi alintana ni Imperial ang init ng panahon at tumayo pa sa taas ng flatbed truck para ipakita ang kan­yang suporta sa Ang Probinsiyano.  Inawitan ni Meg Imperial ang mga Novo Ecijano at hiniling ang kanilang suporta para sa Ang Probinsyano Party-List .

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …