Saturday , November 16 2024

Labor’s 5 ending ng ‘endo’ segurado sa senado

“WALANG kompromiso, panahon na para tuldukan ang sistemang 5-5-5 o endo,” ‘yan ang naging kolekti­bong pahayag at sentral na platapo­rma ng mga kandidato mula sa hanay ng mga manggagawa o LABOR WIN.

Ang LABOR WIN ay alyansang binubuo ng limang kandidatong nag­bibitbit ng plataporma na pawang pro-labor. Bukod sa pagwawakas ng ‘endo’ isusulong din nila ang pagtatakda ng pamban­sang minimum wage o pagpapapantay ng sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor sa lahat ng rehiyon ng bansa,  price control ng pangunahing bilihin, pagsasabatas ng unemployment insurance sa mga mawawalan ng trabaho, modernisasyon ng agrikulura at pagpa­pasigla ng manupaktura sa bansa.

Kabilang sa grupo ang mga beteranong lider manggagawa na sina Atty. Ernesto Arellano, Atty. Neri Colmenares, Leody De Guzman, Atty. Sonny Matula at Atty. Allan Montano.

“Ang aming pagsa­sama-sama ay senyales ng pagkakaisa ng kilu­sang manggagawa para isulong ang matagal nang kahilingan na wakasan ang kontraktuwalisasyon dahil sa delubyong epekto nito sa pamilya ng mang­gagawang Filipino,” pahayag ni Arellano.

Dagdag nito, “ang eleksiyon ang pinaka­mainam na panahon para ipaliwanag at isambulat ang kalunos-lunos na kalagayan dulot ng mga iskemang gaya ng endo.”

Kung tinupad lamang ni Duterte, sabi ni Colme­nares ng grupong Maka­bayan “ang kanyang pa­nga­ko noong 2016 ay ma­rami na sana ang regular sa trabaho at kini­kilala ang kanilang karapatan.

Ngunit, noong huling 2018 lang, natuklasan na mahigit kalahati pa rin ng mga kompanya na may mahigit 20 manggagawa ay gumagamit pa rin ng mga manpower agencies na pinakasalarin sa pag­papalaganap ng endo.”

“Nagpapasalamat kami sa kanya. Si Duterte ang tunay na nagtulak sa amin para isantabi ang mga dating hidwa at magkaisa sa layunin at prinsipyo para gumin­hawa ang buhay ng pamilya ng manggaga­wang Filipino.”

Para naman kay De Guzman ng grupong Partido Lakas ng Masa, hindi maipapanalo ang laban sa kontraktu­wa­lisasyon sa kanya-kan­yang kompanya, man­power agency o labor federation.

“Kung sistematiko nilang binabalahura ang karapatan ng mga obrero, dapat sistematiko din nating sugpuin ito. Kai­langan ng pagkakaisa at political will para amyen­dahan ang Labor Code, lubos na ipagbawal ang kontraktuwal na empleyo para hindi magamit ng mga negosyanteng nais magsamantala sa kani­lang mga empleyado,” diin ni De Guzman.

Hiniling din ng grupo na maging bahagi ng senatorial debate na sponsor ng Comelec. “Nais namin makipag­tagisan ng plataporma sa mga kapwa namin kan­didato.

Kompiyansa ang LABOR WIN na lapat sa masa ang aming plata­porma dahil ito’y hinubog ng deka-dekadang pagsi­silbi sa bayan at sa mga manggagawa,” pali­wanag naman ni Matula, mula sa grupong Federa­tion of Free Workers (FFW).

Ayon din sa atornney ng FFW, bagamat pabor ang halos lahat ng kuma­kandidato sa pagtatapos ng endo, hindi naman garantisado na ‘di nila ito ikokompromiso kapag nakialam na ang Palasyo o mga samahan ng mga negosyante.

Layon din ng grupo na bigyan pansin ang overseas Filipino workers, panukala nilang iprayo­ridad ang OFW legal defense, lalo na para sa mga kababaihang bikti­ma ng trafficking at OFW empowerment, na magbi­bigay sa kanila ng pagka­kataong mamuhunan na may garantiya ng pama­halaan.

“Kung totoong itinu­turing na bayani ang mga nagsipag-abroad nating mga kababayan, dapat lang suklian ng gobyerno ang kanilang sakripisyo. Huwag dapat hayaan na nabubulok sa kulungan at nabibiktima ng illegal recruiter ang mga kaba­bayan natin,” sabi naman ni Montano.

Tagumpay ang mga kandidato ng LABOR WIN sa pag-ani ng supor­ta mula sa iba’t ibang grupo ng simbahan gaya ni Bishop Broderick Pa­billo, obispo ng Maynila at ang pag-endoso ng Church-Labor Con­ference.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *