Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MASAYANG  sinalubong ng kanyang mga tagasuporta si Sen. Grace Poe sa pangangampanya kamakalawa sa Ganassi, Lanao del Sur.

Grace Poe, lagare sa kampanya kahit matatag sa No. 1

TULOY ang pukpukang kampanya ni Senadora Grace Poe kahit hindi siya matibag sa number one spot ng pre-election surveys.

Sinabi ni Poe, marami pa siyang lugar na kailangan suyurin sa nalalabing isang buwan ng kampanya bago ang May 13 midterm elections.

“‘Yung mga gusto kong puntahan sa kampanya na ‘to marami pang lugar, sa Mindanao, sa Visayas at mga liblib na lugar sa Luzon,” ayon sa senadora na nangampanya kamaka­lawa sa Lanao del Sur.

Ani Poe, magpa­pa­hinga lamang siya sa panahon ng Semana Santa upang sumama sa tradi­syonal na ginagawa ng kanilang pamilya na Visita Iglesia.

“Dito lang sa bahay kasama ng pamilya ko, ‘yung traditional na gina­gawa namin, Visita Iglesia, pero hindi ako maka­kabakasyon hangga’t hindi matapos ang kampanya,” dagdag ni Poe.

Sa March 2019 survey ng Pulse Asia, nama­yagpag si Poe sa number one spot at malaki ang lamang sa puma­pangalawang kandidato.

“Ang survey naman paiba-iba ‘yan.  So sa tingin ko ang edge na lang natin kung anuman ang nagawa natin sa Senado. At hindi ko ipagkakaila, siyempre si FPJ pa rin. ‘Yun ang naaalala ng mga tao lalo na ang mga nasa probinsiya, very senti­mental ang mga tao roon,” paliwanag ni Poe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …