NANGAKO si QC Vice Mayor Joy Belmonte na walang magaganap na pagtataas sa singil sa buwis sa Quezon City sa ilalim ng kanyang panunukulan, oras na maging Mayor ng lunsod.
Ayon kay Belmonte, hindi kailangan magkaroon ng pagtaas ng koleksiyon sa buwis sa QC kung hindi kailangan na maisaayos ang sistema ng pagbubuwis para makakolekta nang mas mataas na kita ang lunsod.
Aniya, hindi na kailangan pang dagdagan ang pasanin ng mga tagalungsod at dagdagan ang kanilang gastusin para lamang tumaas ang koleksiyon ng QC bagkus ay mas kailangang bigyang pansin ang tunay na serbisyo ng lokal na pamahalaan sa bawat komunidad.
“The solution is not in tax increases. The solution is in improving tax collection. Ang dapat mapunta sa bayan, dapat ibigay sa bayan, tataas naman nang kusa ang pondo ng lungsod basta tama at maayos ang pangongolekta. Magkakaroon tayo ng pagtaas sa revenue. I assure you that there will be no tax increase in my time. Not in my term,” dagdag ni Belmonte.
Inilinaw din na walang 500 percent increase sa real property tax bunsod ng fair market value ordinance sa QC na kasalukuyang nakasuspende .
Aniya, ang market value o halaga ng ari-arian ang tataas upang mas makinabang ang mga may-ari nito kung sakaling ibebenta nila ang kanilang property sa hinaharap.
“The ordinance simply increases the market value of properties in Quezon City. Actually, the local government code mandates the increase in fair market value every three years. But it’s been 21 years when we last had the market value increase and the DILG [Department of Interior and Local Government] has sent us a memo already. That’s why we have to do this,” ayon kay Belmonte.
Binigyang diin ni Joy B., sa Metro Manila, ang QC ang may pinakamababang fair market value sa properties.
“In the end, it will be the owners’ gain if they decided to sell their properties. I think we just need to explain it to them properly,” paliwanag ni Belmonte.
Anya, magsasagawa ang sanggunian ng dagdag na public consultations sa publiko upang malaman ang hinaing ng homeowners, tuloy ay makatulong sa kanila para sa mas maayos na pamumuhay sa lunsod.
Sinabi ni Belmonte, papakinggan nila ang hinaing ng bawat mamamayan hinggil dito dahil kinikilala nila ang karapatan ng bawat mamamayan na ihayag ang kanilang mga saloobin at mula doo’y bibigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.