Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hanggang Saan nina Sylvia at Arjo, gagawan ng bersiyon sa Turkey

ISA na namang blessing ang dumating sa mag-inang Sylvia San­chez at Arjo Atayde. Ito ay ang pagka­karoon ng lokal na bersiyon sa Turkey ng kanilang seryeng pinagbidahan, ang Hanggang Saan.

Naisara ang deal ng ABS-CBN sa Limon Yapim, isang nangungunang content production company sa Turkey.

Bale tatawaging A Mother’s Guilt ang bersiyon ng Turkey ng Hanggang Saan na sisimulan ang shooting ngayong second quarter ng 2019.

Isa itong milestone para sa Kapamilya Network dahil bukod sa co-producer ang ABS-CBN sa local adaptation, ito rin ang kauna-unahang format buy ng ABS-CBN sa Turkey na isang patunay na patuloy na lumalakas ang presensiya ng mga programa ng Kapamilya Network abroad.

Napapa­nood sa mahigit 50 teritoryo ang mga programa ng ABS-CBN. Nakapagtala naman ang ABS-CBN ng higit sa 50,000 oras na naibentang palabas sa buong mundo.

Patunay na ang gagawing bersiyon ng ‘Hanggang Saan’ sa Turkey na tinatangkilik din ng mga dayuhang viewer ang kuwentong Filipino dahil laging nakaangkla sa pandaigdigang tema na pagmamahal sa pamilya ang ating mga kuwento. Sabik na kaming mapanood ng mga manonood sa Turkey ang ‘A Mother’s Guilt,’” ani Laarni Yu, ABS-CBN International Distribution EMEA sales head.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …