Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grace Poe matatag sa No.1

NANATILING matatag pa rin ang pagkakahawak ni Senadora Grace Poe bilang numero uno sa listahan ng mga kandidato para senador ng mga botanteng Filipino sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Mula sa katanungang sino ang ihahalal nila kung ngayon na isasagawa ang eleksiyon, lumitaw na kinamada ni Poe ang 72.8% ng voters prefe­rence upang pangunahan ang magic 12 ng sena­torial winning candidates, ayon na rin sa pina­ka­huling survey na ginawa ng Pulse Asia mula 23-27 Marso 2019.

“Sa mahigit 300 lehislasyon na ginawa natin sa Senado, pangu­nahin lagi ang kapakanan ng taongbayan. Sinusuk­lian nang tapat na pag­lilingkod ang inyong pagtitiwala. Wala akong partido. Sa lahat ng aksi­yon sa Senado, tanging ang kapakanan ng taong­bayan ang konsiderasyon ko. Kung pagkakati­walaan ninyo, itutuloy natin ang ganitong traba­ho,” pasasalamat ni Poe sa kanyang mga taga­su­porta sa buong Filipi­nas.

Pumangalawa pa rin sa kanya ang kapwa re­eleksiyonistang si Sena­dora Cynthia Villar na may 63.7% habang nasa pangatlo hanggang li­mang puwesto sina Senador Edgardo “Sonny” Angara (58.5%), dating Special Assistant to the President Christian “Bong” Go (55.7%) at dating senadora Pia Caye­tano (52.2%).

Pasok pa rin sa pang-anim na puwesto si Sena­dora Nancy Binay (45.5%), kasunod niya sina dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” Dela Rosa (6th, 44.8%), dating Senador Ramon “Bong” Revilla (7th, 40.9%), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (8th, 39.0%), dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino (9th, 35.7%) at si dating Senador Jinggoy Estrada (10th, 35.2%).

Samantala, dikitan pa rin ang labanan para sa huling dalawang puwesto nina Senador Bam Aquino (33.8%), dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel (33.6%) at mga dating Senador Serge Osmeña (33.0%) at Mar Roxas (31.3%).

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …