Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arci, ‘di namimili ng hahalikan sa eksena — Kung kailangan naman, bakit hindi

SOMETHING different kung ilarawan ni Arci Munoz ang bagong handog ng Dreamscape Digital, Quantum Films, at Project 8 Corner San Joaquin Projects na mapapanood sa iWant, ang Jhon En Martian kasama sina Pepe Herrera at Rufa Mae Quinto.

Positibo naman si Direk Antonette Jadaone na magugustuhan ito ng millennials.

Aniya, “Kari ‘yung era ni Booba, ni Super B, ng ‘Meteor Garden,’ May ganoong nostalgia coming from that na sa ngayon naman sina Pepe at Arci naman na gaganap bilang Jhon en Martian, parang era ng millennials talaga ‘yan eh.

“Tapos ‘yung humor nga niya irreverent, hindi siya ‘yung humor na usual na nakikita natin sa TV o pelikula. Parang mas no holds barred kind of na may male kind of humor. Kaya kakaiba siya na palabas.”

Ang Jhon en Martian ay idinirehe ni Victor Villanueva, na siya ring director ng critically acclaimed film na Patay na si Hesus.

Kabilang naman sa cast sina Mon Confiado, Jojo Alejar, Aiko Climaco, Jelson Bay, Joel Saracho, Ge Villamil, Dolly De Leon, TJ Valderama, Emman Nimedez, Kedebon Colim, at GB Labrador.

Sa kabilang banda, hangang-hanga sa galing ni Pepe Herrera si Arci na hindi na kailangang mag-effort pa nito para umarte.

Aminado naman si Pepe na napaka-suwerte niya’t nakahalikan niya ang aktres. “I feel so lucky. I always practice the gratefulness to say thank you for my blessings,” sambit ni Pepe.

Isang Martian princess na si 223 ang ginagampanan ni Arci na iniwan ang planetang Mars para iwasang makasal sa lalaking hindi niya gusto. Mapapadpad siya sa Earth na walang alam tungkol sa pamumuhay ng mga nakatira. Isang masipag at mabait namang delivery guy si Jhon, na papayag na gawin ang huli niyang delivery request bago tuluyang lisanin ang bansa para magtrabaho sa Malaysia.

At nang magkita nga sina Arci at Pepe sa airport doon nagkaroon ng halikan ang dalawa. Ang paghahalikan nila’y kailangan dahil iyon ang paraan ng mga alien para mag-transmit ng mensahe.

Sinabi naman ni Arci na noong ipinitch sa kanya ang story ng Jhon En Martian, ipinaalam kaagad sa kanya ang ukol sa kissing scene.

“So sabi ko po, a ganoon ba, okey, size,” sagot ni Arci.

I’m just happy and blessed, more than happy. At parang I didn’t remember what happened,” pabirong sagot ng aktor ukol sa kung paano niya pinaghandaan at ano ang naramdaman niya sa tagpong iyon. ”‘Yun po ang masarap kay Arci, very, hindi ko rin alam kung ano ang kaya pa niyang ibigay. Mahilig din po siyang mag-improve eh. So kaya minsan nadadala rin ako o nagugulat, ‘hala saan nanggaling iyon?’”

Paglilinaw pa ni Arci, never siyang nagkaroon ng hesitation sa kung sino ang kahalikan niya sa eksena. “Kung kailangan po talagang gawin, gagawin ko. Pero kung barubal lang o wala lang, gusto lang ipagawa, siyempre hindi. Ano naman po balanse eh kung ano ang hindi kailangan ng eksena, kung ano ang kailangan.

Pagtatapat pa ni Pepe, malambot ang lips ni Arci.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …