Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lapid at Revilla, pasok sa pa-survey ng grupo ni Carl Balita

PASOK sa ika-9 at isa-11 sina Lito Lapid at Ramon Bong Revilla Jr., sa non-commissioned senatorial survey na pinangunahan ni Carl Balita kasama ang ilan sa mga iginagalang sa academya.

Isinagawa ang survey sa 17 rehiyon, 92 syudad, at 206 munisipalidad.

Ayon kay Balita sa isinagawang Pandesal Forum ni Wilson Flores sa kanyang Kamuning Bakery, purely academic, non-commissioned, non-sponsored, non-revenue earning, not politically motivated, non-partisan, objective, research-based, at statistically valid ang isinagawa nilang survey.

Bukod kina Lapid at Revilla, pasok din sa survey at nanguna si Grace Poe, na sinundan ni Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa, ikatlo si Pia Cayetano, ikaapat naman si Sonny Angara, na sinundan ni Bong Go, Nancy Binay, Cynthia Villar, at Bam Aquino.

Nakuha ni Imee Marcos ang ika-10 puwesto at ika-12 naman si Willy Ong.

Nanguna naman sa Respondents Awareness si Cayetano at sa Probable Preference naman ay si Binay.

Ani Balita, puwede pang magbago ang survey habang nalalapit ang eleksiyon.

Kasama ni Balita na isa ring educator, entrepreneur, radio personality sa pag-aayos ng survey sina Rose Fuentes, PhD; Sandy Montano, PhD, RN; Atty. Arnel Mateo; Mon Abrea, CPA, MBA; Marcon Valderama, MA (Statistics and Mathematics); Virlyn Francisco, MA (History), MAEd (History); Paul Francisco, MPA; at Pacifico Maghacot, MS (Social Psychology).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …