Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, nawalan ng panahon sa BF dahil sa politika

NAKABIBILIB naman itong si Alex Gonzaga, aba kahit kaliwa’t kanan ang tapings at showbiz commitments, may oras pa rin siya para isingit ang pangangampanya para sa kanyang pambatong Juan Movement partylist.

Ani Alex, wala sa bokabularyo niya ngayon ang pakikipag-date, sa halip ginugugol niya ang oras sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa para ipaalam ang advocacies ng Juan Movement na akma sa kanyang mga pinaniniwalaan.

Noon pa man, member na ang aktres ng grupo dahil nakasentro sa pamilya at bayan ang mga adhikain ng Juan Movement na pinangungunahan nina Jun Llave, Nico Valencia, at Mark Boado. Mga young entrepreneur at civic leader ang tatlo kaya nag-click bilang magkakaibigan na may iisang ipinaglalaban.

Malaki ang naiaambag ni Alex sa pagsama sa kampanya ng Juan Movement dahil aliw na aliw sa kanya ang mga tao. Paano naman, game na game siyang nakikipagbiruan kaya naman, mabilis nilang nauunawaan ang kanyang mensahe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …