Wednesday , December 25 2024

Megastar Sharon Cuneta lubos na sumuporta kay Sen. Grace Poe (Bukod kay Ate Vi at Coco Martin)

LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpakita ng suporta sa kanya si megastar Sharon Cuneta kasunod ng paha­yag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Bata­ngas representative Vilma Santos-Recto at Coco Martin kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cuneta: “Sen. Grace Poe has my full support and my heart. May God bless you, Senator!”

Sumagot naman si Poe: “Mara­ming salamat sa pagtitiwala at pagmamahal ng nag-iisang Megastar, Ms. Sharon Cuneta!”

Nauna rito, nangako si Poe na magtutulak siya ng mas maraming batas na magpapabuti sa kapakanan at kabuhayan ng mga Filipino na naninirahan sa mga probinsiya.

Ito ang binitawang pahayag ni Poe sa pagbisita sa lalawigan ng Batangas kasama ang suporta nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, asawa ng kongresistang si Vilma Santos-Recto at Gobernador Hermilando Mandanas.

“Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng lehislatura, magsusulong tayo ng mga batas, polisiya at programang magpapayaman sa buhay ng mga Batangueño at iba pang kababayan natin sa mga lalawigan,” sabi ni Poe.

Nagpahayag ng malaking suporta si Ate Vi kay Poe na nagmula rin sa industriya ng entertainment tulad ng ama nitong si Fernando Poe Jr. o FPJ.

“Malaki ang iniangat ng kalidad ni Sen. Poe bilang lider mula nang magbalik sa bansa para ilaban ang kanyang ama na naging biktima ng ‘dagdag-bawas’ sa halalang pampanguluhan noong 2004,” ani Ate Vi.

“Ang pagpapakita niya ng malasakit sa mga kabataan at bata ay tunay at totoong ipaglalaban niya ang mga taga-probinsiya para umangat ang buhay.”

Kahit matagal nang namayapa si FPJ, hindi naman kumukupas ang kanyang mahika sa pag-iikot ni Sen. Poe sa mga kanayunan.

Sa pagbisita ni Sen. Poe sa Lucena City sa Quezon kamakailan, mainit siyang sinalubong ng mga residente roon lalo na ang mga taga­hanga ng kanyang namayapang ama.

Halos maiyak pa ang iba nang makapiling nila ang anak ni Da King at ikinuwento na hindi sila pumapalya sa panonood ng Ang Probin­siyano, ang tele­serye na hango sa pelikula ni FPJ.

Ilang tindera ng New Lucena Market ang iniwan ang kanilang puwesto para lang makita si Sen. Poe.

Sabi nila, kahit wala silang benta ay masaya naman sila na makasalamuha ang senadora.

Matatandaan, tumakbo noong 2004 presidential elections si FPJ ngunit tinalo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Makalipas ang 15 taon, patuloy na nani­nindigan si Sen. Poe na ninakaw ang pa­ngu­luhan sa kanyang ama.

Sinabi ni Poe na nag-iingat siya sa mga desisyon sa politika dahil bitbit niya ang reputasyon ng kanyang ama kaya’t ayaw niya itong dungisan.

Sumuporta rin sa kanya ang aktor na si Coco Martin na nagbibida sa seryeng “Ang Pro­binsyano” nang mangampanya si Poe sa Cebu.

Ayon kay political strategist Perry Callanta ng STORM, malakas pa rin ang mahika ni FPJ kaya laging nangunguna si Sen. Poe sa halos lahat nang lumabas na survey.

Ganito rin ang opinyon ng isa pang political strategist na si Janet Porter ng Cavite na nagsabing kahit matagal nang yumao si FPJ ay buhay na buhay sa alaala ng mga botante ang kadakilaan niya sa mga pelikula.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *