Monday , April 14 2025
Tanod tagay
Tanod tagay

Tumanggi sa tagay… Mechanical maintenance bugbog-sarado sa 2 lasing

PINAGTULUNGAN bugbugin ng dalawang lasing ang isang mechanical maintenance makaraang tumanggi sa alok na tagay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si  Nelson Adrino, 30 anyos, binata, residente sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya dahil sa pinsala sa mukha at katawan.

Arestado ang mga suspek na sina Mitchell Parcel III, 44 anyos, ng Joreta St., at Ronie Mark Ortiz, 24 anyos, residente rin sa C. Perez, kapwa sa Brgy. Tonsuya.

Lumalabas sa imbesti­gasyon nina P/SSgt. Julius Maba­sa at P/SSgt. Philip Cesar Apos­tol, dakong 5:30 pm, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng C. Perez St., pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng lasing na mga suspek para imbitahan sa kanilang inuman.

Tumanggi ang biktima pero nagalit ang mga suspek at bigla na lamang pinagtulungan bugbu­gin si Adrino. Natigil sa pambu­bugbog ang mga suspek nang dumating ang mga nagres­pondeng barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *