Saturday , November 16 2024
electricity meralco

Meralco ‘Sweetheart Deals’ inupakan

NAGHAIN sa Korte Suprema ng Petition in Intervention ang Murang Kuryente Partylist (MKP) at hiniling na isama ang kanilang nominee at energy advocate Gerry Arances, kabilang na ang kumakandito sa pagkasenador at labor leader na si Leody De Guzman bilang mga petitioner sa pending case ng pitong Power Supply Agreements (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company.

Nabatid, sakaling matuloy ang nasabing PSA, ang mga customer ng Meralco ay magbabayad nang mataas na singil sa kanilang generation charge sa susunod na 20 taon.

“Meralco looks at its consumers as an infinite source of money, to be squeezed any time it needs to pay for the new cars and houses of its executives. We wish to be a part of this case to show the Supreme Court that the current petition against them is very important to all segments of society and can affect even the economic future of our country,” ayon kay Arances.

“What’s more, these PSAs all seek to further increase our dependence on coal, which is not only an expensive source of energy compared to renewables, but also introduce environmental and health hazards to the country. Consumers pay on so many levels, while Meralco just pockets the money,” paliwanag ni Arances.

Ang Meralco ang pinakamalaking distribution utility sa bansa na mayroon anim milyong customers at may net income na P5.72 bilyon sa ikaapat na quarter pa lamang noong 2018.

Kasama sa nabanggit na petisyon ang pangalan ng power companies na pag-aari ng power plants na kuwestiyonable at ang Energy Regulatory Commission (ERC), na ang ERC Resolution No.1, Series of 2016, ay pinaantala ang pagpapatupad ng batas para paboran umano ang Meralco na magsagawa ng competitive selection process para pumili ng supplier ng enerhiya nito.

“This delay allegedly gave Meralco and the other respondents in the petition enough time to reach agreements that are disadvantageous to its customers,” pahayag ni De Guzman.

Ang MKP ay tuloy-tuloy na lumalaban sa power companies sa pagtataas ng presyo ng koryente sa kanilang consumers.

Nilabanan din ng party-list ang pagtatangka ng Philippine Association of Rural Electric Cooperatives o Philreca, na ipasa sa kanilang miyembro ng kooperatiba ang Real Estate Tax (RPT) sa kanilang consumers sa bansa.

Ang iba pang respondents sa petisyon ay Department of Energy, Central Luzon Premiere Power Corporation,  St. Raphael Power Generation Corporation, Panay Energy Development Corporation, Mariveles Power Generation Corporation, Global Luzon Energy Development Corporation, Atimonan One Energy Inc., Redondo Peninsula Energy Inc., at ang Philippine Competition Commission.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *