Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaye, na-miss si Lloydie

BALIK-SHOWBIZ si Kaye Abad at inamin nitong noong wala siya sa limelight ay na-miss si John Lloyd Cruz dahil naging close sila sa Tabing-Ilog days.

Inamin din nito na gusto niya ang personalidad ng aktor na kanyang first love at first boyfriend.

Aniya, simple lang ang buhay nila ng actor noon. Walang sasakyan kaya siya ang taga-sundo at taga-hatid ng aktor sa Laguna na roon noon nakatira bago umuwi sa Cavite.

Ayon kay Kaye, naramdaman niya noon na magiging mahusay na aktor si John Lloyd at alam nitong sisikat ito at iiwan siya dahil magkakaroon ito ng panibagong loveteam.

Pareho silang nakabase ngayon sa Cebu pero hindi pa rin sila nagkikita  kahit ‘di naman kalakihan ang siyudad.

Si Kaye ay taga-Cebu na naging asawa si Paul Jake Castillo, ex-housemate sa Pinoy Big Brother: Double Up (2009) at pinasok din ang showbiz.

Si Lloydie naman, taga-Cebu rin ang karelasyon, si Ellen Adarna at may tsikang magkaibigan din sina Paul Jake at Ellen. (ALEX DATU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …