Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, ini-renew ng Beautederm; Ilalagay ko sila sa number one

GUSTO kong maging number one ang Beautederm.” Ito ang tinuran ni Sylvia Sanchez sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Beautederm Corporation ni Rhea Anicoche-Tan kahapon sa Annabel’s Restaurant.

Kuwento ni Tan, dahil kay Gloria (karakter na ginagampanan ni Sylvia sa teleseryeng The Greatest Love), napagdesisyonan niyang kunin ang aktres para maging endorser ng kanyang beauty products.

“Sa totoo lang po nang kaya ko nang kumuha ng endorser, si Ate Sylvia agad ang naisip ko, of course sa tulong din ni Shyr (Valdez). Tumitigil po kaming lahat, pati ang mga empleado ko sa pag-eempake kapag andiyan na si Gloria. Lahat kami umiiyak sa kanya,” pagbabalik-tanaw ni Tan kung paanong si Sylvia ang kinuha niyang endorser.

At simula nga noon hanggang ngayon, malaki ang naitulong ng aktres para lalo pang makilala ang Beautederm products.

Sa kabilang banda, abala ang Beautederm Corporation sa paghahanda sa nalalapit nitong ika-10 anibersaryo kasabay ang pagre-renew kay Sylvia Sanchez bilang isa sa mga top celebrity endorser nito.

Itinatag ng Beautederm taoong 2009 ng President at CEO nitong si Tan. Kinakatawan ng Beautederm ang prinsipyo ni Rhea na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa ating mga sarili, at dahil dito mas magiging malusog ang isang tao at makakapagpamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas na kaanyuan ngunit sa kabuuan ng kanyang pagkatao rin.

Bilang isa sa mga pangunahing lider sa beauty and wellness industry ngayon, mahalaga para sa Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito. Gumagamit ang Beautederm ng mga plant-based na sangkap na masusing pinagsasama-sama para makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ay ang Beautederm Skin Sets para sa mukha at sa katawan; Reverie by Beautederm Home na kinabibilangan ng mga koleksyon ng soy candles at room sprays; at Beautederm perfume collection na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men among many others  na lahat ay pawang top-selling products sa mercado ngayon.

Sa ngayon, may mahigit sa 40 physical stores ang Beautederm sa iba’t ibang panig ng bansa at mahigit sa 100 resellers ‘di lamang dito maging sa ibang bansa at mayroon na itong humigit na 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at mga aktres, TV personalities, mga mang-aawit, beauty queens, politiko, komedyante, at mga social media influencer.

Si Sylvia ay isa sa mga pinaka-accomplish na aktres ngayon at ang kanyang kamangha-manghang karera ay tumatakbo ng humigit tatlong dekada. Lumabas siya sa mahigit na 50 mainstream films na iba’t iba ang genre gaya ng drama, komedi, aksiyon, at horror, kasama na rito ang nalalapit na cinematic release na Jesusa at OFW.

Ngayon, nagsimula nang mag-taping si Sylvia para sa isang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Kapalaran  na makakasama niya sina Arci Munoz, JM De Guzman, at Joey Marquez.

Bilang isang aktres at maybahay, hinahati ni Sylvia ang kanyang oras sa pelikula at telebisyon at ang kanyang oras sa kanyang magandang tahanan sa Quezon City. “Hindi madaling pagsabayin ang career at personal life. But with hard work, determination, time management, and prayers anything is possible.”

At ang hard-work, determinasyon, at steadfast faith samahan pa ng unwavering commitment ni Sylvia sa excellence ang dahilan kung bakit tila match made in heaven ang partnership niya sa Beautederm sapagkat pareho nilang binibigyang halaga ang nasabing mga value.

“Isang malaking inspirasyon si Sylvia sa napakaraming mga kababaihan who are wearing so many caps in their lives—mga babaeng may karera na mga asawa at ina rin, katulad ko” ani Tan. “Sylvia represents so many working mothers who are balancing both career and family. She is also trusted by countless Filipinos and as a brand ambassador of Beautederm, I must say that she has really helped the company in its success today.”

“Kailangan kong alagaan ang aking kalusugan and feel good about myself before bago ako magpamudmod ng pagmamahal sa aking pamilya at karera,” sambit naman ni Sylvia. “Beautederm makes me feel beautiful inside and out. Ilang taon nang bahagi ang Beautederm ng aking daily regimen at hindi ito pumalya sa pag-refresh at pag-invigorate ng aking kutis. Nagpapasalamat ako sa Beautederm at kay Rei sa tiwala. Maraming nabuksan na pintuan ang Beautederm para sa maraming tao. Binigyan nito ang napakaraming kababaihan ng oportunidad upang maging financially independent at hindi lamang ako endorser dahil depot seller na rin ako sa hometown ko sa Butuan City. The brand has given countless women jobs that they can be proud of and that enables them to help their families.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …