Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM to Ria — I would like to keep her

HINDI naiwasang maitanong kay JM De Guzman si Ria Atayde nang walang kaabog-abog ay itinukso ni Arci Munoz ang dalaga sa presscon ng kanilang pelikulang, Last Fool Show ng Star Cinema na idinirehe ni Eduardo Roy Jr..

Pagkaklaro ng actor, “Kasi nakilala ko si Ria sa isang small circle rin namin. Hindi ko alam, ang bait-bait niya. Napaka-genuine.

“Parang naa-attach lang ako sa mga taong ganoon, sa mga positive na tao. Hindi siya showbiz.”

Hindi naman kataka-takang close sina Ria at JM dahil minsang nasabi ni Sylvia Sanchez na matagal nang magkabarkada ang kanyang anak at ang actor.

Sinabi pa ni JM na good friends sila ni Ria pero nang tanungin kung sakaling ligawan niya ito, “Kung ano man ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever.”

Ang istorya ng Last Fool Show ay umiikot kay Mayessa (Arci) isang premyadong manunulat at direktor sa larangan ng indie na nabigyan ng pagkakataong makagawa ng pelikula sa isang sikat na kompanya.

Bilang unang proyekto, naatasang gumawa ng isang romantic-comedy si Arci na walang idea kung paano. Kaya kahit may pag-aalinlangan, naisip niya at ng kanyang mga kaibigan nag awing pelikula ang sariling karanasan sa dating katinshang si Paulo (JM).

Magkaklase at magkaibigan sa University of the Philippines sina JM at Arci. “Fifteen ako noon, 16 siya. Mga 2005 ‘yon,” pagbabahagi ni Arci. “Malaking bagay ‘yon na magkatrabaho kami ngayon, sobrang komportable.”

Sinabi naman ni JM na, “Noong mga panahong iyon, nagtatrabaho kami behind the scenes. Kami ang nag-aayos ng costume, props na gagamitin sa play.”

Si Roy ang sumulat at direktor ng pelikula ng pinag-usapan sa Cinemalaya 2016, ang Pamilya Ordinaryo.

Kasama sa Last Fool Show sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, VJ Mendoza, Chamyto Aguedan, Kris Janson, Victor Silayan, Erin Ocampo, Pat Sugui, Cholo Barretto, Josef Elizalde, Menggie Cobarrubias, Gina Alajar, Arlene Muhlach, at Bibet Orteza. Mapapanood na ito sa Abril 10.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …