Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, supalpal kay Kris — Sa totem pole ng problems ko, she is so far below

LATELY ay madalas magparamdam si Gretchen Barretto, wala namang ipino-promote na TV or film assignment.

March 22, sa kanilang Instagram Live ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine—na nakabati niya bago mag-Valentine’s Day—ay binakbakan ni Gretchen si Marjorie at ang anak nitong si Dani.

Dalawa ang dahilan nito: una, wala ang pangalan nila ni Claudine sa inner lid ng kabaong ng namatay nilang yaya; pangalawa, ‘di sila imbitado ni Claudine sa kasal ni Dani.

Idagdag pa ang ‘di pag-acknowledge ng pamangkin sa kanila ni Claudine as having stood by her through her growing up years.

Sa tindi nga ng galit ni Gretchen, sarado na ang kanyang puso sa posibleng pagkakaayos pa nila ni Marjorie.

Itinuturing daw niya itong tegibels.

If that sounded familiar, ‘yun din ang turing ni Gretchen kay Claudine noong kasagsagan ng away nila many years ago.

March 23, Sabado, sa programa naman nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM ay si  Kris Aquino naman ang pinagtripan ni Gretchen.

Inamin ni Gretchen na galit siya kay Kris. At kaya raw malakas ang kanyang loob ngayon ay dahil wala nang kapangyarihan ang dating Presidential Sister.

Ang alam namin sa taong may galit sa kanyang kapwa, it’s not enough to express it. Kailangang ilatag ng taong ‘yon ang dahilan o mga dahilan ng pinanggagalingan ng kanyang poot.

But Gretchen refused to disclose the reason. Pero sa takdang panahon daw ay isisiwalat niya ang dahilan.

Wala kaming maisip na motibo sa muling pag-iingay ni Gretchen maliban sa buwisitin si Kris, pero ang tanong: nagtagumpay nga ba si Gretchen?

Since we have our number, tinangka naming i-text si Kris para kunin ang kanyang reaksiyon. Pero okey lang if she’d choose not to react.

Eto ang sunod-sunod na reply ni Kris: “Absolutely no comment, let her be…I do not even remember the last time I encountered her…Sa totem pole ng mga problems ko, Kuya Ronnie, she is so far below.”

Inaasahan na namin ang wapakels o carebears attitude ni Kris. Sinang-ayunan pa nga namin ‘yon quoting what American essayist wrote, “Dignified silence is the best reply to slander.”

Mas nakakapikon ‘yung walang pumapansin sa ‘yo, which means, hindi epektibo ang attention-getting caper mo.

Nakapagtataka ring sa totem pole ng mga family issues na kailangang i-address ni Gretchen, bakit hindi kasama roon ang pakikipagkasundo sa kanyang mga magulang?

How pathetic!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …