Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senior Citizens Party-list sumuporta kay Bong Go

MATAGUMPAY na nagdaos ng motorcade kamakalawa ang Senior Citizens Party-list mula sa harapan ng Quezon City Hall na bumaybay sa Commonwealth Avenue hanggang Quirino Avenue sa Novaliches ng nasabing lungsod.

Halos 500 iba’t ibang sasakyan at 300 motorsiklo ang inalalayan ng mga pulis sa motorcade na pinangunahan ni Congressman Francisco Datol Jr., kasama ang iba pang nominee ng Senior Citizen Partly-list na sina Aurora Garcia, Erlinda Ordanes, Rogelio Galman at Jaime Cruz.

“Walang ibang sinusuportahan ang lahat ng senior citizens sa mga kandidato sa Senado kundi si dating Special Assistant to the President Bong Go dahil may tunay na malasakit siya sa lahat ng nakatatanda,” ani Datol.

“Kung lubos siyang susuportahan ng botanteng 9.1 milyong senior citizens sa buong bansa at mga pamilya ay baka mag-topnotcher pa siya sa Mayo 13.”

Ipinagmalaki rin ni Datol na sa kanyang pagkilos sa Kongreso ay naging batas ang National Commission of Senior Citizens na panaginip lamang ng lahat ng nakatatanda pero naging realidad na ngayon.

“Ito po ang aking pangarap na makatoto­hanan na ngayon, magkakaroon na tayo ng sariling tahanan, na tayo ang mangangasiwa para sa panganga­ilangan natin gaya ng pensiyon at lahat ng pangangailangan ng ating sektor” dagdag ni Datol.

“Pagyamanin po natin ang ating Commission, ito ang pamana natin sa susunod na henerasyon ng nakatatanda at isunod na natin ang ating ospital at libreng patuluyan sa senior citizens. Kaya nakikiusap po ako sa lahat ng senior citizens sa bansa iboto po natin ang Senior Citizens Party-list na No. 130 po sa inyong balota. Pagkaisahan po nating muling ihalal ang ating partylist para sa ipinakikipaglaban ko sa Kongreso. Mabuhay po tayong lahat ng nakatatanda!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …