Saturday , November 23 2024

Paalam sa dating Hari ng Kalsada

MALAPIT nang magwakas ang paghahari sa kalsada ng iconic jeepney — ang makasaysayang sasakyan na nagmula sa iniwang mga US Army jeep ng mga Amerikano matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ito ngayong papalitan ng modernong jeepney bilang bahagi ng pagnanais ng pamahalaan para sa modernisasyon ng transportasyon sa bansa.

Kalaunan, magiging bahagi na lamang ng ating kasaysayan ang popular na stainless body, makulay na exterior paint, nakabibinging musika at maingay na exhaust system.

Sa pangako ng gobyernong pagandahin ang ating public transport system at protektahan ang ating kapaligiran, maglalaho na ang tradisyonal na jeepney para magbigay daan sa bagong hari ng lansangan.

Dala ang modernisasyon ng Department of Transportation (DOTr) bilang ahensiyang kumakatig sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ang layunin ng PUVMP ay gawing moderno tayo, i-update at gawing bago ang mga jeepney para maging mas ligtas na pamamaraan ng pampublikong transportasyon.

Ang mga guideline na itinakda ng DOTr ukol sa bagong jeepney ay: Ang bagong jeepney ay kinakailangang sumunod sa safety at environmental standards.

Ito’y kinakailangang may Euro 4 emission-compliant engine o electric motor.

Ang entry at exit (pasu­kan at labasan) ay dapat nasa kanang bahagi habang ang labasan sa likuran nama’y gagamitin lamang bilang emergency exit.

Kinakailangan din mayroon itong speed limiter, isang dash cam, GPS monitoring system at closed-circuit TV (CCTV) system.

Idinagdag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na ang modernong jeepney ay dapat may libreng Wi-Fi at automatic fare collection system.

Nararapat din may suweldo ang mga PUV driver at maximum na 12 oras na pagtatrabaho sa ilalim ng PUV moder­nization program.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *