Wednesday , May 14 2025

Nasa listahan na, tumira pa… Soltero timbog sa shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaking kabi­lang sa drugs watch list matapos mahulihan ng ilang pakete ng umano’y shabu sa isang buy bust operation, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 2002) ang sus­pek na si Perlito Pelagio, alyas Litot, 38, binata, ng Matulungin Street, Bara­ngay 181, Pasay City.

Ayon sa ulat, nagsa­gawa ng buy bust ope­ration ang mga tau­han ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangu­nguna ni P/Major Wil­fredo Sangel sa bahay ng sus­pek, dakong 11:30 pm.

Nakuha sa suspek ang 22 pakete ng uma­no’y shabu na may tim­bang na 0.4015 gramo at P500 buy bust money sanhi ng agarang pagka­kaaresto.

Nakakulong ang sus­pek sa detention cell ng pulisya at nakatak­dang isailalim sa inquest pro­ceedings sa Pasay Pro­secutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *