Parang bagyo ang pagdating ng Ang Probinsyano Party-List sa Cebu nang lumapag sa naturang vote-rich province bitbit ang back-up na mutli-awarded action star at director na si Coco Martin.
Iniidolo bilang si ‘Kardo’ sa TV show na “Ang Probinsyano,” sumama si Coco sa pagronda ng AP-PL sa mga lokalidad ng Dumanjug, Santander, Tuburan, Danao at Mandaue upang kumustahin ang kalagayan ng mga Cebuano na naghihintay sa kanila.
Kailan lang ay ibinunyag ni Coco ang kanyang suporta sa AP-PL dahil sa tulong na maibibigay nito sa pag-unlad ng mga taga-probinsya.
Dahil sa paniwalang uunlad ang mga Filipino kung may oportunidad, suportado ni Coco ang legislative agenda ng AP-PL — enhanced peoples’ access to government health services at quality education.
Libo-libong mga Cebuano fans at supporters ang nagbilad sa araw para lang makasama ang kanilang idol na bitbit ng AP-PL.
Nagsimula ang patrolya sa Dumanjug sa southwestern Cebu na sinalubong si Coco at ang AP-PL ni Cebu Governor Hilario Davide III, Vice Governor Agnes Magpale, 7th District Representative Peter Calderon at ni Dumanjug Mayor Efren Gica.
Pinangunahan ni Coco ang tatlong-oras na motorcade mula Dumanjug patungo sa dulo ng Cebu, ang bayan ng Santander. Sa Santander naman ay mainit silang sinalubong ng grupo ni Mayor Marilyn Wenceslao.
Pagdating ng tanghali ay nasa norte na ng Cebu sa bayan ng Tuburan ang grupo ni Coco at AP-PL na sinalubong naman ng isang dambuhalang grupo sa pangunguna ni Tuburan Mayor Aljun Diamante.
Isang rally ang isanagawa na kinabilangan nang mahigit 30,000 Cebuano mula sa mga bayan ng Barili, Aloguinsan, Pinamugahan, Balamban, Asturias, Tabuelan at siyudad ng Toledo bilang pagsuporta kay Coco at AP-PL.
Masayang nagmeryenda ang mga taga-Danao nang sila ay kantahan ni Coco.
Sa Danao ay mainit rin ang pagsalubong sa grupo ni Coco at AP-PL sa pangunguna nina Danao 5th District Representative Red Durano at Danao Mayor Nito Durano.
Isa pang motorcade ang isinagawa mula Danao hanggang Mandaue na nagbigay si Coco ng saya sa mga Cebuano habang nagpapaliwanag ang AP-PL ng kanilang platorma para sa mga taga-probinsya.
Sinabi ni Coco, siya ay nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa grupo ng Ang Probinsyano Party-List na kanyang sinuportahan dahil sa adhikain nitong maiangat ang buhay ng mga probinsyano.
HATAW News Team