Saturday , November 16 2024

Pasado na ang batas “Expanded Maternity Leave”!

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 11210 o ang “Expanded Maternity Leave Law” noong Pebrero 20, 2019.  Ang isa sa mga pangunahing sumulong nito ang dating Democratic Independent Workers Association (DIWA) Party-list representative Emmeline Aglipay-Villar.  Ang dating 60 araw na maternity leave ay pinahaba at ginawang 105 araw na “bayad” na maternity leave.  Mayroon din itong probisyon na maaari humingi ng karagdagan 30 araw na leave kung hihilingin ng empleyado, ngunit ang karagdagan leave ay hindi “bayad”.  Layunin ng batas ang mabigyan ang mga empleyadong kababaihan na nagbubuntis o ang bagong panganak sapat na panahon maibalik ang kanilang kalusugan matapos manganak at maalagaan din ang kanilang anak.

Isa sa mga direktang benepisyo ng batas na ito ay mabigyan ng mas mahabang pagkakataon mag breastfeed si nanay sa kanyang anak.  Malaking tulong ang batas na ito para maisulong ang kapakanan ng manggagawang kababaihan.

Kinikilala ng mambabatas ang pangangailangan bigyan panahon alagaan ang bagong panganak at ganun din ang pangangailangan bumalik agad sa trabaho upang may pang tustos sa pang araw-araw na gastusin ng pamilya. Malaking tulong at ginhawa sa mga kababaihan ang makatanggap ng nararapat sahod habang sila ay naka “maternity leave”.  Ang batas na ito ay malaking hakbang para maitaguyod ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *