Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andre, aral muna bago showbiz

ON-HOLD muna ang acting career ni Andre Yllana dahil nais muna niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Wika ng binata ni Aiko Melendez, ”oo on-hold muna kasi nag-aaral ako sa Don Bosco, 1st year taking up Automotive.

Mahilig kasi ako sa kotse kaya it has something to do sa kotse at para makapagpatayo ng malaking talyer,” kuwento ni Andrei sa thanksgiving party ng kanyang ina na ginawa sa Chateau 1771.

Single pa si Andre dahil aniya, “binabantayan ko kapatid ko eh, ha ha ha. Hindi pa puwedeng magka-lovelife.”

Wala pa namang nanliligaw sa kanyang younger sister na si Marthina Jickain, inaabangan pa lamang niya.

Aminado si Andre na mahigpit siya sa kanyang kapatid. “Oo mahigpit talaga ako. May mata ako sa school niya kahit magkaiba kami ng school.”

At okey lang naman ang pagbabantay na ginagawa niya kay Marthina.

Babalikan niya ang showbiz kapag natapos na niya ang pag-aaral.

Choice ko na mag-aral muna. Kasi naisip ko lang din na importante talaga ang education. In case kasi, may fall back,” sambit pa ni Andrei.

Hindi naman nakikita ni Andre na patungo ang career niya sa politika. Pero handa siyang subukan ito. Hindi naman nakapagtataka na pasukin niya ang politics someday dahil konsehal ang kanyang amang si Jomari Ylanna sa 1st district ng Paranaque at dati’y nasa politics din ang kanyang inang si Aiko.

Hindi naman itinago ng binata ang takot sa nangyayaring pagbabanta sa kanyang ina at sa BF mayor nitong si Jay Khonghun ng Subic, Zambales. “Siyempre buhay ang nakasalalay doon eh, nanakatakot din.”

Close si Andre at Marthina kay Mayor Jay na sabi nga ng binata, “mabait siya kaya parang tatay ko na rin siya talaga.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …