TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng embahada ng Filipinas sa Moscow ang isang sugatang Pinay na nakasama sa multiple-vehicle collision sa Kazakhstan, na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng 27 pa.
Kinasasangkutan ng tatlong bus, dalawang passengers car at isang ambulansiya ang insidente ng kolisyon ng mga sasakyan.
Ayon kay Ambassador to Russia Carlos Sorreta, nalaman na ang biktimang si Jennifer Francisco Lavapiez ay kabilang sa pasaherong nasaktan sa insidente dahil sa impormasyon sa pamamagitan ng post sa Facebook.
Nakipag-ugnayan ang Embahada sa kinauukulan at nabatid na nasa stable na kondisyon umano ang nasabing Pinay sa hospital sa Astana, na tinutulungan na rin ng kanyang employer.
Sa ngayon, nanatiling naka-monitor ang Philippine Embassy sa nasabing sitwasyon at nakipag-coordinate na rin sila Kazakhstan maging sa bus company para habulin ang suporta at naging pinsala nito sa mga biktima.
(JAJA GARCIA)