Thursday , May 15 2025

Mananalo pa rin si Mar Roxas — Pres. Duterte

NANINIWALA si Pa­ngulong Rody Duterte na mananalo si Mar Roxas bilang senador sa paparating na eleksiyon.

Bagama’t makailang ulit nang binira ng Pangu­lo sa kampanya ng Hug­pong ng Pagbabago sa Cagayan de Oro, sinabi niyang malaki pa rin ang tsansa ni Roxas na makapasok sa magic 12.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang apelyidong Roxas ang magiging dahilan para iboto pa rin si Mar sa eleksiyon.

Si Roxas na apo ni yumaong dating Pangu­long Manuel Roxas ay naging kongresista, na­ging senador, naitalaga bilang Trade and Indus­try secretary, DILG chief at kilala sa pagiging eko­nomista.

Nagpasalamat na­man si Roxas sa pahayag at naniniwala siyang “flavor of the hour” lang siya nito sa tuwing makahahawak ng mikro­pono.

“Lahat naman puwe­deng sabihin laban sa akin, kanit sino puwede akong kutyain at maliitin dahil, kalayaan nila ‘yan, pero kailanman ay hindi nila ako puwedeng tawa­ging ‘corrupt’ dahil malinis akong pumasok at lumabas sa anumang posisyon na aking hina­wakan,” sabi ni Roxas na No. 8-9 sa lahat ng pre-election surveys.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *