Sunday , December 22 2024

Isyung isinawalat ni Acierto harapin — Alejano

HINIMOK ni Magdalo Rep. Gary Alejano na harapin ang isyung isini­walat ng dating opisyal ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group na si Eduardo Acierto imbes atakehin at ibintang sa oposisyon.

Ayon kay Alejano, libo-libo na ang namatay sa war on drugs ng pangulo at dapat nang maimbestigahan.

“Address the issue head on instead of brush­ing it aside and divert the issue by attacking the messenger at pagbin­tangan ang oposisyon,” ani Alejano.

“Libo na ang pinatay sa ilalim ng war on drugs marapat lamang na imbestigahan at liwa­nagin ang napaka­ser­yosong alegasyon na nakaabot na ang alleged drug lords sa Malaca­ñang,” aniya.

Kahapon ibinintang ni Duterte sa oposisyong ‘yellows’ ang paglutang ni Acierto.

Ani Duterte, nasa likod ni Acierto ang mga ‘yellows’ na iniuugnay sa Liberal Party.

Ayon kay Acierto, walang ginawa ang PNP at Malacañang sa intel­ligence report tungkol sa economic adviser ni Pangulong Duterte na si Michael Yang.

Ayon kay Alejano, nakababahala ang intel­ligence report na nagde­talye ng pagkakasangkot ni Michael Yang at Allan Lim sa ilegal na kalakalan sa droga at walang gina­wa ang Philippine National Police, ang Philippine Drug Enforce­ment Agency at ang Malacañang.

Ayon sa intelligence report, ang  drug labo­ratory ni Michael Yang sa Davao City, at Allan Lim sa Cavite City ay sinalakay noong 2004 at 2003. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *