HALATA na rin ngayon sa kanyang serye sa telebisyon na hindi na kasing sexy at kasing ganda nang dati ang isang sikat na aktres. Siguro kung kagaya pa rin siya ng dati, mas malakas ang naging sipa sa ratings ng serye niya, kaso hindi na nga siya ganoon ka-sexy.
Ano kaya ang dahilan at tila napabayaan na ng aktres ang kanyang katawan?
Sinasabi naman niyang happy siya sa buhay. Baka nga masyado nang kuntento kaya ganoon na.
Miss, hindi ka na sexy, ikaw din. (Ed de Leon)