MAGANDA ang planong gawing pelikula ni Cong. Bullet Jalosjos ang biopic ni Josephine Bracken ngayong magiging aktibo na naman siya sa pagpo-produce. Natigil pansamantala si Bullet dahil binigyang pansin niya ang pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Zamboanga del Norte.
“I’m doing to do a movie of Josephine Bracken, asawa ni Jose Rizal at taga-Dapitan sila at doon sila na-inlove, they got married. Ang daming kuwento tungkol diyan na hindi pa talaga napag-uusapan. Sa schools we talked about Jose Rizal, Josephine Bracken. But we never really goes kung sino ba talaga siya. Parang telling Jose Rizal’s story thru a lovers eyes naman.
“It’s a very colorful story at may mga tsismis and that has been confirmed by no less then Direk Lino Cayetano, naging partner ko rin siya noong gumagawa kami ng short films. Parang si Josephine joined the revolution. Lumaban siya kay (Andres) Bonifacio, very very interesting and she ended up marrying someone from Cebu. And she ended up going back to her homeland, Hongkong, China. And died alone without ano…so very tragic and very colorful.”
At nang tanungin kung sino ang puwedeng gumanap na Josephine Bracken, sagot ni Bullet na ngayo’y tatakbong Gobernador ng Zambonga del Norte, “Hindi puwedeng Pinoy eh. Si Josephine kasi, half Chinese, half Irish. Siguro puwede si Andi Eigenmann, pero kamukha niya kasi. I’m not sure kung okey siya. Pero on the top of my head, siya ang naiisip ko. Wala pang director, aayusin pa.”
Sinabi pa ni Bullet na tiyak na maraming Pinoy ang interesadong mapanood ang buhay ni Josephine.
“I spoke to MVP (Pangilinan) before. He was actually interested in the film. Gagawin niya sanang teleserye eh. It’s either we do this or not at all kasi malalim ito sa amin eh. Maraming controversies eh.”
May buhay pang kamag-anak si Bracken na naninirahan sa Cebu kaya ang gusto niyang gawin ay, “So I would like to begin the story na may narrator sa umpisa ng movie then at the end you’ll find na she’s the great great grand daughter niya pala ‘yung narrator.”
Pelikula para sa mga yaya
Pero bago ang Josephine Bracken story, mauuna muna ang Yaya movie, isang horror movie na feel good movie. “It’s a movie that give commends to all yaya’s kasi parang wala pang movie na nagbibigay-pugay sa mga yaya eh. The emotional investment na ibinibigay ng yaya sa alaga nila na hindi nila kamag-anak eh grabe pa, considering na maraming yaya na hindi nag-aasawa, iniiwan sila ng pamilya nila, kasi masyado silang busy. Minsan ‘pag lumaki na ‘yung alaga nila nagiging yaya na sila ng anak ng inaalagaan pa nila noon.”
Mahilig talagang gumawa ng pelikula si Cong. Bullet. Actually, ang una niyang ginawang pelikula ay ‘yung ipinrodyus nila nina Boy2 Quizon, Rufa Mae Quinto, Ronald Singsong, Neil Arse mula sa kanilang produksiyong Brown Sugar Productions, ‘yung Coming Soon na ang Viva ang nag-release.
Hindi naman nakahiligan ni Bullet ang pag-aartista bagamat ang mga barkada niya ay nasa showbiz. “Hindi ako pang-artista eh, although I did commercials,” sambit ng kongresista.
At kahit hindi naging maganda ang nangyari sa Coming Soon na nakapag-invest sila ng around P12-M, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagpo-prodyus.
“Nasunog ako ng maaga noon, siguro trial by fire, kaya naman ngayon tututukan ko talaga ang paggawa,” paniniyak ng kongresista. “Mula sa script, casting, kailangan andoon ako to the venue.”
Universal Health Care sa mga taga-Zambonga del Norte
Samantala, naikuwento ni Bullet na kaya siya tinanghali ay dahil kakatapos lang niya sa isinagawang Barangay Moto Me, new elevator way of campaigning na nagmo-motor sila sa mga bara-barangay at pagkaraan ay magkakaroon ng boodle fight. “Nag-umpisa kami sa tatlong municipalities na may 100 riders. At nang marating naming ang last barangay, may 500 riders na kami. Medyo bugbog lang ng kaunti pero masaya dahil nakadaupang palad natin ang ating mga constituents,” paglalahad pa ng incoming governor ng Zambonga del Norte.
At kapag nabigyang pagkakataon muli siya ng mga taga-Zamboanga del Norte na maihalal, gusto niyang mailagay sa mapa ang kanyang lugar bilang unang probinsiya na magbibigay ng Universal Health Care na hindi lang philhealth, kundi zero talaga ang babayaran.
“If I can make ligaw sa mga agencies and ‘yung tatlong mananalong kongresista sa ilalim natin na makapagpo-produce sila ng P35-M o P40-M, na magiging P120-M a year tapos dagdagan pa natin ng P100-M mula sa probinsiya, so mayroon kaming P220-M na kapag taga-Zamboanga del Norte ka, libre ang pagpapagamot. Hopefully ‘yun talaga ang plano ko. At nakita naman ng mga constituent ko ang mga nagagawa ko kaya hindi nila nakukuwestiyon kung kaya kong gawin ito.
“I’d like to continue pa and improve at ibalik ang saya sa probinsiya,” giit pa ni Cong. Bullet.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio