HINILING ni Senadora Grace Poe sa sambayanang Filipino na iboto ang mga babae sa Senado upang mabalanse ang representasyon sa kalalakihan.
Sa pagsasalita sa National Women’s Month Celebration sa Tagbilaran City, Bohol kamakailan, hiniling ni Poe na iboto ng sambayanan ang mga kandidatong kababaihan sa eleksiyon sa 13 Mayo 2019.
“Ang lakas ng kababaihan ay lakas ng sambayanan. Ngayong Mayo, iboto natin ang mga kababaihan sa Senado para sa higit na representasyon ng mga kabaro natin,” ayon kay Poe. “Daghang salamat, Bohol, sa pag-imbita kanako diri sa inyong National Women’s Month celebration.”
Bumisita rin si Poe sa Panglao at humanga sa magandang dalampasigan nito na pangunahing atraksiyong pangturista.
“Winner ang Bohol dahil sa magandang dalampasigan at dagat nito. Makikipagtagisan sa pinakamagaganda sa mundo ang beaches rito. Hamon sa ating panatalihin ang likas na ganda ng lugar habang pinauunlad ito sa pamamagitan ng turismo,” diin ng senadora na laging topnotcher sa mga survey, pinakahuli ang Pulse Asia at Social Weather Station.
“Suportahan natin ang ating lokal na turismo. Ibalik natin si Grace Poe sa Senado para sa patuloy na pagsuporta sa sustainable tourism sa ating bansa,” dagdag ni Poe.