Saturday , November 16 2024

Coco Martin saludo sa Ang Probinsyano Party-List

SUPORTADO ng award-winning na aktor na si Coco Martin ang Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) dahil sa mga plataporma nito para sa mas magandang kinabukasan ng mga Filipino. 

Dahil galing sa hirap, batid ni Martin na kai­langan ng mga Filipino ang mga oportunidad upang maiangat ang kanilang mga pamumu­hay. Kaya naman todo ang suporta ni Martin sa AP-PL.

Sa oras na mahalal sa Kongreso, isusulong ng AP-PL ang mga batas sa kongreso na magbibigay daan para sa mga Filipino lalo ang mga nasa pro­binsya na makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng kaalaman sa pag­hanapbuhay at mapa­ngalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.

Naniniwala si Martin na sa tulong ng AP-PL, mabibigyang prayoridad ang kapakanan ng mga probinsyano partikular ang pagkakaroon nila ng masaganang buhay sa mga lalawigan.

Kailan lang ay ibinun­yag ng AP-PL ang plano para sa ‘House to House’ health care program upang mai-deliver ang health service ng gobyerno sa pintuan mismo ng taha­nan ng bawat pamil­yang Filipino.

Inilahad din ang ka­nilang intensiyon sa pagpapatupad  ng ‘Open High School’ sa bansa upang tumaas ang kali­dad ng edukasyon ng mga estudyante partiku­lar ang mga nasa pro­binsya.

Itinulak ng AP-PL ang pagtatayo ng mga sa­ngay ng Overseas Workers’ Welfare Ad­minis­tration (OWWA) sa bawat probinsya ng bansa upang matulungan ng ahensiya ang OFWs at kanilang mga pamilya na taga-probinsya.

Naunang nagtungo ang AP-PL sa Hong Kong kamakailan para sa isang ‘meet and greet’ na umani ng suporta mula sa mga Filipino na nagtatrabaho roon.

Nailahad ng mga OFW ang kanilang mga problema at nangako ang AP-PL ng mga solusyon sa oras na maupo sila sa Kongreso.

HK OFWs SUMUPORTA
SA ANG PROBINSYANO
PARTY-LIST

DITO sa Filipinas, mara­mi ang umaalma sa pag­taas ng dolyar kontra sa piso.

Pero nakikinabang dito ang mga pamilyang umaasa sa padala ng kanilang mga kamag-anak na overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Ine Reyes na tumatanggap ng buwa­nang allowance mula sa anak na nasa Estados Unidos,  ”kapag tuma­taas ang halaga ng dolyar kontra sa piso, natutuwa ako kasi mas malaki ang natatanggap ko.”

“Halimbawa sa $100, kung P49 ang dollar, maka­katanggap lamang ako ng P4,800. Pero kung tataas ito halimbawa sa P52, ang makukuha ko ay P5,200. Malaking tulong na ito sa pambili na­min ng mga pangangai­langan,” paliwanag niya.

Isa sa target ng Ang Probinsyano Party-list (AP-PL) ang pagka­karoon ng mataas na palitan ng dolyar para sa OFW remittances.

Ayon sa nominee ng AP-PL na si  Ronnie Ong, “humigit kumu­lang 10 milyong pamilya ang makikinabang sa higher exchange rate for OFWs. Kung mas mataas ang palitan ng dolyar para sa remittances ng OFWs, mas madadagdagan ang pambili nila ng local products natin.”

Kamakailan lang ay nasa Hong Kong si Ong para ihain sa OFWs ang plataporma ng AP-PL. Kabilang dito ang ‘Housewife Compen­sation Act’ ni Cong. Joey Salceda; ang house-to-house health care; at pagpapatupad ng ‘Open High School.’

Ang nasabing meet and greet ay nilahokan rin ng anak ni Senadora Grace Poe na si Brian Poe at ng nagbabalik sa senado na si Lito Lapid.

Nagpahayag ng su­por­ta sa AP-PL ang OFWs sa HK dahil ma­kakatulong umano sa kanila at kanilang mga pamilya ang mga batas na planong isulong  ng naturang party-list.

Natutuwa rin sila at nagkaroon ng pag­titi­pon na nagkaroon sila ng pagkakataong sabihin ang kanilang mga pro­blema. Nangako ang mga kandidato na kapag naha­lal sila, gagawin nila ang lahat na kani­lang makakaya upang maka­tulong sa OFWs.

Ang “Kandidato Ko, Kakilala Ko” meet and greet ay ginanap noong 17 Marso sa V Point, Causeway Bay, HK. Sinu­portahan ito ng Kayu­manggi Magazine, CMG HK, Stratoppo Global HK, at City Sky Realty.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *