Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, tututok sa BF mayor, Sandugo ‘di na magagawa

HUMINGI ng paumanhin si Aiko Melendez sa ABS-CBN dahil hindi niya magagawa ang Sandugo, ang bago sana niyang teleserye mula sa Dreamscape Entertainment. Kailangan kasing masamahan ni Aiko ang Subic Mayor BF sa pangangampanya nito bilang bise-gobernador ng Zambales.

Pangako ni Aiko, “babawi po ako sa inyo. Mas kailangan lang talaga ako ngayon ni Jay (Subic Mayor Jay Khonghun). Kaya pasensya na po.”

Nakapagpaalam naman ng maayos si Aiko sa pamamagitan ng kanyang manager na si Boy Abunda.

Hindi namin kasi nakita itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa sitwasyon namin ni Jay,” paliwanag pa ni Aiko sa thanksgiving party niya, na ginawa sa Chateau 1771, para sa kanyang double victory bilang Best Supporting Actress for Rainbow’s Sunset at sa 2018 Metro Manila Film Festival, at Gawad Pasado Awards 2019.

Napag-alaman naming ginawa talaga para kay Aiko ang papel na gagampanan niya sana sa Sandugo.

Napunta naman ang proyekto kay Vina Morales.

Maybe hindi talaga para sa akin dahil mas kailangan ako ni Jay ngayon,” giit pa ng aktres.

Sa­man­tala, itinanggi naman ni Aiko na engaged na sila ni Mayor Jay dahil sa picture nila na ipinost sa social media.

May­roon kaming calendar na ipapamigay sa buong Zambales at gusto namin ipakita ang ganda ng Zambales,”  paliwanag ni Aiko.

Ukol naman sa planong paglagay nila sa tahimik, sinabi ng alkalde na, “Siyempre, oo naman. Ako na ang sasagot niyan. Oo naman.

Aiko is a very good person.

“At napakasuwerte ang kahit sinong lalaki na makakakita ng katulad niya.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …