Saturday , November 16 2024

Malasakit Center tuloy kahit tapos ang term ng Pangulo — Bong Go

NAIS ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na tuloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa bansa kahit tapos na ang termino ng Pangulong Rodrigdo Duterte sa taong 2022.

Si Go ang founder ng mga Malasakit Center na makikita sa iba’t ibang pampublikong pagamutan ang madalas lapitan ngayon at hingan ng tulong ng mga maysakit na mahihirap na Filipino.

Sinabi ni Go, libre ang konsulta at libre rin ng gamot sa 24 Malasakit Center nationwide kaya walang dahilan at alinlangan ang mga may sakit upang hindi sila magtungo sa hospital para magpatingin ng kanilang mga karamdaman.

Kung dati ay takot magpa­ospital ang mga pasyente dahil wala siyang pambayad, ngayon ay araw-araw na dinudumog ang mga “one stop shop” na Malasakit Center sa bansa.

Ayon kay Go, sa oras na siya ay palaring maging senador ay babalangkas siya ng mga batas na magbibigay ng malaking pondo sa mga pampublikong pagamutan upang kahit tapos na ang termino ng Pangulong Digong ay tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga itinayo niyang Malasakit Center sa bansa.

Makikita sa Malasakit Center ang mga tauhan ng PCSO, PAGCOR, PhilHEALTH, DOH, SSS at DSWD na siyang sasagot sa hospital bill at iba pang gastusin ng isang mahirap na pasyente.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *