DINUMOG ng bashers ang anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi na si Ariane Daniella “Dani” Barretto makaraang magbitiw ng hindi magandang salita laban sa kanyang ama.
Ilang netizens ang tinawag si Dani na ingrata at walang respeto sa magulang. May ilan ding pinersonal ito sa pagsasabing dapat na ‘wag siyang mag-inarte dahil hindi siya kagandahan.
Ang ilang netizen, hindi katanggap-tangap ang mga salitang binitiwan ni Dani laban sa kanyang ama, maging sa pamilya nito.
May ilang netizens pa ang nagsabi na sana ay sinarili na lang ni Dani ang problema niya kung ano man at hindi na ikinalat sa social media dahil hindi lang naman kahihiyan niya ang kanyang ipinagkalat kundi maging sa kanyang pamilya at pamilya ng kanyang ama.
Bagamat nasa showbiz ang kanilang pamilya, nakahihiya rin ang ginawa ni Dani dahil usaping pampamilya iyon.
Lalo pang nag-init ang netizens nang balikan sila ni Dani sa pagsasabi nito ng (@barrettodaniii) March 18, 2019), “ANG DAMING NIYONG SINASABI WALA NAMAN KAYONG ALAM. HECK, NI HINDI KO NGA KAYO KILALA EH. Ano to, comedy? Putulan na nga ng mga internet tong mga bashers na to. Wala naman kayo natutulong sa mundo.”
Sinabi pa nitong, “Social media is great and all, but it also ruins your faith in humanity. I get that this is part of my job, and has been part of my life since forever. But what happend to being kind to one another? Why is everyone suddenly so involved with other people’s lives? It’s so toxic.”
Matatandaang nag-ugat ang pamba-bash kay Dani nang mag-post ito ng vlog sa kanyang site at post sa kanyang IG account na unang inilahad ang kanyang mga plano para sa nalalapit na kasal.
Si Dani ay nag-iisang anak nina Marjorie at Kier.
Ani Dani, isa lang sa kanyang magulang ang nais niyang maghatid sa kanya sa altar at iyon ay walang iba kundi ang kanyang mommy.
Aniya, “My mom is walking me down the aisle because it’s only right that she walks me down the aisle because she raised me on her own. Everything that I am, it’s all because of her. She is the most deserving to walk me down the aisle.”
Sinabi pa niya na anim na taon na silang hindi nagkakausap ng kanyang ama dahilan para hindi maging okay ang kanilang relasyon.
”I’m not going to say naman na I didn’t love him. I’m not going to say I don’t love him. It’s just that, I guess na when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka nang wala ‘yung tao sa life mo, you just feel like… not naman you don’t need the person, but you feel like you’re okay without them,” aniya pa.
Samantala, sa halip na magalit ay gumawa ng letter si Kier para sa kanyang anak at umaasang magkakausap din sila para malinawan ang kung ano mang hinanakit ng anak.
Ani Kier, tahimik lang siya sa isyu, “because I am certain that both of us know the truth.”
Sa kanyang sulat sa kanyang anak, inamin nitong sobrang hirap ang kanyang pinagdaraanan makita lamang ito.
“Bata ka pa lang, lagi na kitang hinahabol, you don’t know what I had to do just to see you. Until now, I’m still waiting for our meeting.
“I was the first man who ever loved you and that no matter what, you will always be my daughter.”
Narito ang kabuuan ng sulat ni Kier kay Dani:
Dear Aynrand Danielle,
First things first, congratulations, I heard you are getting married. May both of you live a blissful marriage with plenty of children.
Aynrand, I don’t really say much about our relationship because I am certain that both of us know the truth. I believe that no matter what you say now can never change the truth and the memories we had.
I’m here, I will always be here. Bata ka pa lang lagi na kitang hinahabol, you don’t know what I had to do just to see you. Until now, I’m still waiting for our meeting.
Here are some pictures of us, memories that will forever be in my heart. I kept this glass flower I gave you a long time ago hoping that you will bloom as a good and truthful person.
I want you to know that I was the first man who ever loved you and that no matter what, you will always be my daughter. I will continue to pray for you and your family. Hindi importante ang opinyon ng iba. Para sa akin, kasama ang Legaspi family you will have a special place in our hearts.
I wish nothing but the best for you. May God bless you and everyone you love.” (MVN)