Saturday , November 16 2024
marijuana

2 driver timbog sa pot session

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang driver matapos mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcangel ang mga naarestong suspek na si Michael Pangilinan, 36 anyos, ng Gen. Malvar St., Brgy. 142; at Victorino Bonifacio, 47 anyos, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132  ng nasabing lungsod.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 1 commander C/Insp. Joebie Astucia,  dakong 10:30 pm, nagpapatrolya sina PO1 Jemar Veluz at PO1 Alfredo Adatta Jr., sa kahabaan ng Brgy. 132, Bagong Barrio nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at inireport ang hinggil sa isang grupo na may pot session sa Gen. Concepcion St.

Mabilis na nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar at naaktohan ang mga suspek na humihithit ng marijuana na naging dahilan upang siya ay arestohin.

Narekober ng pulisya sa lugar ang isang disposable lighter, aluminum foil na may bahid ng sunog na marijuana at dalawang plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa mga suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *