HINDI babawiin ng Kamara ang panukalang budget mula sa Senado lalo na kung may mga lump sum na pondo na pinagbabawal ng Saligang Batas.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nila binawi ang kanilang bersiyon ng panukalang budget taliwas sa pahayag ng mga senador.
“No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the proposed new version,” ani Arroyo.
Sinabi ni Arroyo na magpupulong ang mga kongresista pati na si Congressman Ronnie Zamora na nakikipag-ugnayan sa Senado patungkol dito.
“I’m going to meet today with the House members… and with Congressman Ronnie Zamora,” dagdag ni Arroyo.
Aniya, iginiit ng mga kongresista ang bersiyon ng Kamara na walang lump sum sa budget.
“We will insist on no lump sum because that is what is unconstitutional. That’s what we will insist, no lump sum. Now, as to the details, that’s the one that we’ll see,” ani Arroyo.
Paliwanag ni Arroyo wala silang napagkasunduan ni Senate President Tito Sotto patungkol sa pagbawi ng panukalang budget.
“If we don’t come to an agreement and then Tito Sotto does not sign the bill, then there’s no bill to send to the President. So I do not know if we will but I would wish we would,” aniya.
Nauna nang sinabi ni House appropriations chairman Rolando Andaya na hindi maaaring bawiin ng Kamara ang panukalang budget dahil ito ay inaprub ng Kamara sa plenaryo.
Aniya, kung ano ang inaprub ng plenaryo ay hindi puwedeng bawiin ng isang kongresista.
ni Gerry Baldo