Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr & Ms Esquire candidates, palaban

KASABAY ng pagdiriwang ng ikaapat na taon ng Esquire, magkakaroon ng Mr and Ms Esquire handog ng Esquire Financing Inc., na layuning makilala at mai-highlight ang kanilang services.

Kasama ni Ms. Susan Nuyles, marketing director ng Esquire ang dalawang spokesperson ng pageant, ang Ms Tourism World 2019 International na si Francesa Taruc at You Tube Influencer Vlogger Edric Go sa paghahayag ng gagawing pageant.

Labing-isang lalaki at 11 babae ang maglalaban-laban para sa Mr & Ms Esquire na gaganapin sa Leyte Academic Center Gym, Pawing Palo, Leyte sa April 30.

Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming beauty pageant sa buong mundo, ito’y dahil na rin sa rami ng magaganda, guwapo, talented, at matatalinong Pinoy. Kaya naman hindi kataka-taka kung bawat syudad sa Metro Manila at mga probinsiya ay may kanya-kanyang beauty pageant at hindi nalalayo rito ang Esquire.

Ayon nga kay Francesca, ang pagdami ng beauty pageants sa bansa ay patunay ng pagiging competitive ng mga Pinoy.

“Ako personally, I really hope more people would stage pageants because it helps so many individuals, not only those of us dreaming of making a name for ourselves but also, like you said, designers, make-up artists…” sambit ni Francesca.

“I’m really happy that Esquire Financing Inc. thought of staging a pageant for their fourth anniversary. I’m excited to share my know-how to the contestants hoping to help them achieve their dream,” dagdag pa ng beauty queen.

Nang tanungin kung paano niya ide-describe ang mga kandidato/ kandidata sa Mr & Ms Esquire, sinabi nitong, “okey sila palaban, magaganda at mga guwapo.”

Dagdag naman ni Edric na matagal nang pangarap ang maging artista, “I am thrilled to be part of this event. I am hoping we will be able to discover the next Catriona Gray or Pia Wurtzbach at the contest.”

Giit naman ni Ms Nuyles, “Apart from helping highlighting the services we offer as a company, we also want to empower people specifically individuals joining the pageant.

“I think it’s already part of our culture. Almost every barangay, town, city conducts it’s own beauty pageant year in, year out.”

Gaganapin ang coronation night sa Leyte dahil, “We decided to stage it in Leyte because one, I’m from there and I know personally there are many individuals from Leyte with potential to make it big in pageantry.”

May cash prize na matatanggap ang magwawagi, P30,000 gayundin ang mga hindi papalarin. “The other candidates won’t go home empty-handed, of course,” pagtitiyak pa ni Nuyles na puwedeng tawagan sa 63495395709/639202807035/09054934138.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …